Higit pa sa parangal: Paano ipinapakilala ng grupo ng Rondalla na ito mula Pilipinas ang musikang Pilipino sa buong mundo

Rondalla - Philip Dagang.jpg

The De La Salle Zobel Rondalla has received a Gold Award during the 33rd Australian International Music Festival held in Sydney from July 7 to 12. Credit: Supplied by Philip Dagang

Muling kinilala ang Filipino band na De La Salle Zobel Rondalla sa kanilang pagtatanghal sa ibang bansa. Tumanggap sila ng gintong parangal mula sa Australian International Music Festival, ngunit mas ipinagmamalaki nila ang kanilang kontribusyon sa pagpapakilala ng musikang Pilipino sa buong mundo.


Key Points
  • Ginawaran ng Gold Award ang grupo ng mga estudyante at grupo na DLSZ Rondalla sa kanilang ipinakitang talento sa ika-33 Australian International Music Festival nitong Hulyo.
  • Ang kanilang Rondalla ay binubuo ng 22 estudyante mula Grade 6 hanggang Grade 12 at ilang guro mula sa kanilang paaralan sa Muntinlupa sa Metro Manila.
  • Kinikilala ng grupo ang ganda ng musika na nalilikha ng kanilang mga instrumento at ang kanilang ambag sa pagtataguyod ng tugtuging Pinoy.
Makasaysayan ang pagdayo ng De La Salle Zobel Rondalla sa Australia sa unang pagkakataon upang makibahahagi sa ika-33 Australian International Music Festival na sinalihan ng daan-daang grupo mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

"Music has brought us here [in Australia]. We want to perform outside the Philippines.

We want to show our talents to other people and the world," pagbabahagi ng band conductor at guro na si Philip Dagang.

Matapos ng limang araw ng Festival, ginawaran ng Gold Award ang grupo para sa kanilang ipinakitang galing at talento.
The De La Salle Zobel Rondalla has received a Gold Award during the 33rd Australian International Music Festival held in Sydney from July 7 to 12.
The DLSZ Rondalla consists of 22 students from Grades 6 to 12, accompanied by a teacher-performer and their band conductor. Credit: Supplied by Philip Dagang
Kasama ng ilang daang iba pang grupo ng mga koro, wind band at orchestra, nagtanghal ang DLSZ Rondalla sa Sydney Opera House at iba pang tanyag na gusali sa Sydney kasama ang kanilang Opening Concert Performance sa Sir John Clancy Auditorium sa University of New South Wales.

Nagkaroon din sila ng Pop Concert Performance sa Maritime Museum sa Sydney CBD at ang kanilang Adjudicated Performance sa Chatswood Concourse sa northern Sydney.
The DLSZ Rondalla has performed in some of the iconic buildings in Sydney
The DLSZ Rondalla has performed in some of the iconic buildings in Sydney Credit: Supplied by Philip Dagang
Hindi na bago sa grupo ang pagtatanghal sa ibang bansa. Noong 2024 naiuwi din nila ang Gold Award mula sa Los Angeles Sounds of Summer Festival at nitong Marso 2025 kasali rin sila sa Pacific Basin Music Festival sa Hawaii.

Pamanang kwerdas

"I feel a sense of accomplishment that we are performing internationally with my bestest of friends, and we get to showcase our Filipino sound and music," buong pagmamalaki ng isa sa matagal nang myembro ng grupo na si Elyse Degal.

Sinang-ayunan naman ito ng presidente ng grupo na si Lyon Libunao.

"I enjoy it very much performing with everyone in our band while we get to bring our instruments and music to an international audience."
The Rondalla is a traditional Filipino ensemble featuring a distinctive blend of string instruments, including the banduria, octavina, laud, guitar, string bass, and percussion.
The Rondalla is a traditional Filipino ensemble featuring a distinctive blend of string instruments, including the banduria, octavina, laud, guitar, string bass, and percussion. Credit: DLSZ Rondalla/Philip Dagang

"We are also able to promote our culture and music, for people to see where our sound comes from, how unique it is, and people are mostly surprised since they only hear orchestra, or band, and our rondalla is very unique because we use string instruments," bigay-diin ni Lyon.

Tugtuging atin

Sa kanilang pagtatanghal sa iba't ibang bansa, lalo pang naipapakilala ng grupo ang rondalla.

"If we do more concerts, there will be more people who will be able to see and listen to the unique sound of the rondalla," paniniwala ng pinakabatang myembro na si Marco Tividad.
DLSZ Rondalla visited SBS studios in Artarmon NSW
The DLSZ Rondalla recently visited SBS Studios in Artarmon, NSW, where they performed several pieces from their OPM medley repertoire. Credit: SBS Filipino
Ang rondalla ay isang tradisyon na grupo ng mga instrumento na may kwerdas, gaya ng banduria, octavina, gitara at bass.

Nagmula sa salitang Espanyol na 'ronda' na ang ibig sa sabihin sa Ingles ay 'serenade' o 'harana' sa Filipino.

Sinasabi na nagmula ang rondalla sa mga katutubong banda mula sa Espanya noong sinaunang panahon ngunit binago at nagkaroon ng sariling Pilipinong tunog at instrumento.

Karaniwan din na kanilang mga tinutugtugan ay nagtatampok ng mga awiting sariling atin, gaya na lamang ng mga Original Pilipino Music (OPM)
De La Salle Zobel Rondalla
The Rondalla has already performed in the United States in 2024 and Hawaii in March 2025 before their performances in Australia. Credit: SBS Filipino

Pagmamahal sa musikang Pilipino

Para sa DLSZ Rondalla, sa bawat performance ng kanilang grupo, mapa-Pilipinas man o sa ibang bansa, bigay todo ang pag-eensayo para sa pinakamahusay na pagtatanghal na mula sa puso.

Buong puso at oras ang inilalaan ng bawat miyembro ng Rondalla upang matiyak na magampanan nila ng mahusay ang kanilang parte sa rondalla.

Taong 2007 nang unang mabuo ang grupo sa ilalim ng Special Music Program mula sa kanilang paaralan sa Muntinlupa sa Pilipinas.
The 22-member Rondalla is headed by its main conductor and teacher, Philip Dagang.
The 25-member Rondalla is headed by its main conductor and teacher, Philip Dagang (3rd from right). Credit: SBS Filipino
"Listening to the music of the rondalla ignites one's love for the homeland.

Embracing and learning more about the sound of the rondalla makes you more Filipino," paghihikayat ni Lyon Libunao sa mga kabataang Filipino Australian na pakinggan ang musika ng rondalla.

Para naman sa mga kabataan na nais subukan ang pagtugtog ng rondalla, naniniwala ang music teacher na si Daryl Galicia na lalong humuhusay ang isang musikero kung bukal sa puso ang pag-aaral nito.

"Once you fall in love with rehearsals and practice, that's the time when you truly grow with your music."
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Higit pa sa parangal: Paano ipinapakilala ng grupo ng Rondalla na ito mula Pilipinas ang musikang Pilipino sa buong mundo | SBS Filipino