Halos bumabalik na sa normal ang buhay ng karamihan sa mga tao sa buong mundo matapos ang COVID-19, muling nagbabala ang mga eksperto na hindi pa tapos ang pagpuksa sa pinaka-nakamamatay na sakit ang tuberculosis o TB.
Key Points
- Ang tuberculosis ay isang bacterial infection, sintomas nito ang pag-ubo, lagnat, pagbaba ng timbang at kung napapabayaan ikamamatay ito ng pasyente, pero ang standard at drug-resistant strain ay maaaring maiiwasan at magagamot.
- Sa pinakahuling datos ng WHO tinatayang umaabot sa 10.6 milyong indibidwal ang nahawa ng sakit sa taong 2021, at 1.6 milyong katao ang namatay.
- Ang Result International Australia na isang non-government-organisation na patuloy na nagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa TB.
- Umaasa si Professor Justin Denholm ang Medical Director ng Victorian Tuberculosis Program, sana'y gawing prioridad sa buong mundo ang pagbabakuna laban sa TB, tulad ng COVID-19 para sa world TB free sa 2030.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.
Share





