'Hindi kailangang mamahalin ang regalo': Paano maghanda para sa Kapaskuhan

Aussies are becoming savvier with their Christmas shopping

Majority of Australians (51%) are looking forward to Christmas this year, but Aussies are becoming savvier saying they will shop the end of year sales to bag some bargain gifts. Source: AAP / JAMES GOURLEY/AAPIMAGE

Hindi kailangang mabutas ang ating bulsa para lamang makapaghanda at makapag-regalo ngayong Pasko. Pero sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, paano nga ba nakakasabay ang mga Australian nitong panahon ng mga pagtitipon at kasiyahan?


Key Points
  • 51% ng mga Australian ang excited sa pagdating ng Pasko ngayong taon.
  • Marami ang nag-aabang sa mga sales tulad ng Black Friday, Cyber Monday at end-of-financial-year sales.
  • Para sa online shopper na si Gee Magno, mas sulit ang mamili online dahil mas madaling magkumpara ng presyo at mas maraming pagpipilian
Ramdam na ramdam na ang papalapit na bakasyon at panahon ng Kapaskuhan, pero sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at kamakailang insidente ng data breach, maraming Australyano ang nagiging mas wais sa kanilang pamimili.

"Merong akong notification sa email ko so alam ko kung kailan 'yung susunod na sale. And'yan ang end-of-financial year, Black Friday at kung ano-ano pang sale," kwento ni Gee Magno, isang nanay at community leader sa Sydney.

Isa lamang si Gee Magno sa mga Australians na nag-iisip ng paraan para makatipid sa kanyang pamimili para sa Kapaskuhan lalo pa nga at madalas na marami siyang nireregaluhan kapag Pasko.

Aussies shopping this festive season
Two-thirds (68%) of Aussies say they will shop the end of year sales this year to bag some bargain gifts, with November’s Black Friday sales event followed by Cyber Monday being the most popular. Credit: Steve Buissinne from Pixabay
Pasok si Gee Magno sa ipinapakita ng isang bagong pananaliksik na ang mga Aussie ay nagiging mas wais sa kanilang pamimili nitong Pasko sa pagsubok na maibsan ang pressure sa mga gastusin at budget.

"Hindi kailangang laging mamahalin ang inyong regalo basta maganda," ani Gee Magno.

"I don't give gifts just for the sake of giving gifts. Isipin mo rin kung is it worth it, magugustuhan ba ng bibigyan mo ang regalong ibibigay mo. Alamin mo rin kung ano ba ang gusto ng bibigyan mo para hindi rin masayang ang regalo ang perang pinambili mo," diin niya.

Ayon sa Paypal Christmas Spending Report, sa kabila na higit 56 porsyento ng mga Australyano ang nakakaramdam ng epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at 1 sa 5 Aussie ang nakakaramdam ng stress nitong panahong, majority pa rin (51 %) ang excited sa pagdating ng Pasko ngayong taon – matapos ng ilang taon ng mahigit na mga COVID restrictions na pumigil sa marami na magdiwang at magtipon-tipon.

Base rin sa ulat, 68 porsyento ng mga Australyano ang nagsasabing mamimili sila sa mga end-of-year sales gaya nitong Black Friday at Cyber Monday nitong buong linggong ito.

Many resort to online shopping to compare prices of items.
To avoid the hassle of a physical Christmas rush, 85% of Australians will buy end-of-year gifts online this year. Credit: Cottonbro Studio on Pexels
85 percent ay ginagawa ang pamimili online dahil mas madali ang pamamaraang ito.

"Among the few tactical Christmas shopping strategies Aussies looking to employ this year," ani Danielle Grant, isang consumer shopping Expert mula Paypal Australia.

Ani Gee Magno nang mag-pandemya, nahilig siya sa online shopping. Mas madali umano ito para sa kanya dahil ikukumpara niya ang mga presyo mula sa iba't ibang website.

Binigyang-diin ni Danielle Grant ang bentahe ng pamimili online.

"It's a great way to fill your carts with more gifts or more groceries at a lower cost."

"No matter where you look at the moment, something is on sale and there are so many that are gonna be leading up to Black Friday and Cyber Monday."

Pero sa inyong pamimili online, payo lamang ng mga eksperto na maging maingat sa inyong online shopping. Tignang mabuti ang link ng anumang website na inyong iki-click at wag basta basta buksan ang anumang spam email.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand