Paano hinaharap ng isang pamayanang pangrelihiyon sa hilagang Sydney ang bagong normal

religious community

Filipino religious community in Sydney's North Shore continues to practice their faith through online sessions. Source: Zito Leis Palo/‎FILCOS North Shore Inc.

"It’s the first time in the history of Australian church that a Sunday mass is full with only 10 people inside".


Sa kaunting pagluwag ng mga paghihigpit sa coronavirus, 10 katao lamang ang pinapayagan sa loob ng simbahan sa isang pagkakataon. 

"May mga naghihintay sa labas lalong-lalo na 'yung mga matatanda na hindi masyadong kabisado kung paano mag-book online para makadalo sa misa," paglalahad ni Rev. Emmanuel Chuntic ng Warringah Parish sa hilagang Sydney. 


Mga highlight

  • Bukod sa sampung tao lamang ang maaaring makapasok at dumalo sa bawat isang itinakdang serbisyo sa simbahan, kailangan ding ipagpatuloy ang pagsunod sa social distancing.
  • Kailangang magpatala online ng mga parokyano kung nais nilang dumalo sa isang itinakdang oras ng serbisyo o misa.
  • Mula sa dating dalawang misa bawat araw, inaabot ngayon ng 5 hanggang 7 misa bawat araw ang ginagawa ng simbahan upang mas maraming tao ang makapagsilbihan.
Ilang mga lokal na taga-parokya sa distrito ng Waringgah ay kailangang maghintay sa labas ng simbahan para sa susunod na serbisyo lalo na kung sila ay hindi nakapagpatala online para sa pagdalo sa misa.

Sa gitna ng pagsubok ng kasalukuyang pandemya, patuloy pa rin ang mga nananampalataya na gumawa ng mga pagsasaayos upang maipagpatuloy ang kanilang dating mga gawaing pangrelihiyon.

"Talagang hinahanap ng mga Filipino ang kanilang pananampalataya kahit man nag-lockdown ‘yung simbahan natin,” ani Fr. Chuntic.
religious community
Filipino faithfuls during their sharing online. Source: Fr Emman Chuntic
Bukod sa bagong normal na pagdalo ng 10 katao lamang sa isang serbisyo, patuloy din ang mga parokyano sa pagdalo sa mga online na sesyon ng pagbabahagian ng pananampalataya.
Filipino community
The old normal. Reverend Emmanuel Chuntic (front, far left) with some of the closely gathered Filipino parishioners after a religious event. Source: Supplied
Medyo mahirap, ani Fr Chuntic mula sa St. Kevin's Church sa Dee Why, lalo na "hindi parte ng training ng seminary namin ang online service. Walang ganitong training sa seminary especially when we look at the technical side na medyo naninibago kami kung paano gawin”.

Bagaman isang ganap na bagong karanasan ito para sa maraming mga relihiyosong samahan, kailangang gumawa ng mga paraan upang magpatuloy na maglingkod sa kani-kanilang mga pamayanan.

Isa ang lugar ng Warringah kung saan maraming mga Pilipino na may paniniwalang Katoliko. Sa dating normal na pagkakataon, dalawang misa na pang-Pilipino ang ginagawa doon kumpara sa ibang lugar na isang misa lamang kada buwan ang ginaganap.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand