Highlights
- Nahaharap sa multang 5000 dollars ang mga negosyo sa NSW na bigong sumunod sa public health order
- Ayon sa psychologist na si Miranda Cashin maiiwasan ang pagkabalisa kung mayroong plano at isa na dito ang paghahanda sa mga staff at katrabaho
- Kalakip ng pagbukas ng bansa, kakailanganin ng publiko na mag-adapt sa mga panibagong public health orders
"Some of the customers, we know they don't want to get vaccinated. But since they are regular customers, it makes it harder to explain. We try to explain, but they keep shouting at us, saying 'it's my choice to get vaccinated or not'. It's really hard. It really concerns us. That's what we're trying to work out, right now," ito ang hinaing ng cafe manager na si Richard Daniel.
Bilang may-ari ng negosyo, tungkulin ni Richard at ng kanyang staff na tanggihan ang mga di bakunadong customer sa ilalim ng bagong public health order. Aniya, ilan sa kanyang mga customer ay ayaw magpabakuna.