Bagaman may dinanas na mga hamon sa pagsisimula ng karera bilang brand at packaging designer si Brian Rodrigo Llagas sa industriya sa Australia, pinatunayan nito ang kanyang galing matapos kasamang i-disenyo ang packaging ng sikat na Australian brand biscuits na Tim Tams at Arnott's.
Key Points
- Agad nagtrabaho abroad si Brian Llagas sa Vietnam pagkatapos ng kursong Industrial design sa UP Diliman sa loob ng 11 taon bago napunta sa Australia taong 2015.
- Kasalukuyang konektado ang packaging designer ngayon sa End Food Waste Australia.
- Ayon sa datos mula National Food Waste Strategy Feasibility Study ng Australia taong 2023, Dahil sa pag-aaksaya ng pagkain umaabot sa halos 36.6 bilyong dolyar bawat taon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa.
Share




