'I want to change lives’: Pinay sa Australia, inilunsad ang ‘Teach to Learn’ para sa edukasyon sa Pilipinas

Cindy Valdez

'I want to change lives': Filipino-Australian Cindy Valdez, launches ‘Teach to Learn’ to transform education in the Philippines. Credit: Margaret Albia/Margaret Albia

Sa pamamagitan ng 'Teach to Learn', pinagbubuklod niya ang mga guro mula sa Australia at Pilipinas upang magbahagi ng kaalaman, kultura, at inspirasyon para sa makabuluhang pagbabago sa edukasyon.


Key Points
  • Cindy Valdez isang Filipino-Australian at EAL/D [English as an Additional Language or Dialect] Education Leader sa New South Wales Department of Education at kasalukuyang itinalagang isa sa mga Director ng Primary English Teaching Association Australia. Noong 2009-2010, bilang guro ng mga refugee mula South Africa, hinubog ng kanilang karanasan at kwento si Valdez sa kanyang mahigit dalawang dekadang paglilingkod sa edukasyon.
  • Inilunsad niya ang 'Teach to Learn' ay isang pang-edukasyon at cultural exchange program na nag-uugnay sa mga Filipino at Australian teachers para sa mga makabuluhan at nagbabagong karanasan sa pagkatuto — isang adventure with purpose na layuning itaas ang antas ng edukasyon at magbigay ng pangmatagalang inspirasyon sa mga guro at mag-aaral.
  • Ayon sa Philippine Statistics Authority (2024), 90% ng mga Filipino na may edad lima pataas ay marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Tumaas sa 93.1% ang may basic literacy, ngunit bumaba sa 70.8% ang may functional literacy o kakayahang umunawa ng mas kumplikadong teksto.
Sa higit tatlong dekada sa Australia, nanatiling matatag ang hangarin ni Cindy Valdez, isang Filipino-Australian at EAL/D [English as an Additional Language or Dialect] Education Leader sa New South Wales Department of Education, na makapag-ambag sa edukasyon ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng kanyang programang Teach to Learn, pinagbubuklod niya ang mga Filipino at Australian teachers upang magbahagi ng kaalaman, kultura, at inspirasyon para sa mga guro at kabataang Pilipino.
Buong puso niyang isinusulong ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga guro.

Cindy Valdez
'I want to change lives': Filipino-Australian Cindy Valdez launches ‘Teach to Learn’ to transform education in the Philippines. Credit: Margaret Albia/Margaret Albia
Para kay Valdez, ang pagtuturo ay bokasyon at misyon ng kanyang puso, sapagkat ang bawat gurong kanyang natutulungan ay daan tungo sa pagbabago ng libu-libong buhay.
It brings me so much joy to wake up each day and help a teacher grow, knowing that even the smallest change in their practice can transform countless students’ lives for generations.
Cindy Valdez, EAL/D Education Leader NSW Department of Education/Director for Primary English Teaching Association Australia
Siya ay kasalukuyang itinalagang isa sa mga Direktor ng Primary English Teaching Association Australia (PETAA), isang pambansang organisasyon na sumusuporta sa mga guro sa elementarya upang mapaunlad ang pagtuturo ng Ingles, pagbasa, at pagsulat.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand