KEY POINTS
- Kamakailan ay inanunsyo ng pamahalaang labor ang resulta ng 2023-2024 budget kung saan may $6.5 billion na budget surplus. Ayon kay Dr. Chalmers, ang mababang gastos ay magpapahintulot sa pag-ayos ng problema sa cost of living.
- Ayon sa Senior economics lecturer mula sa University of Canberra, Dr John Hawkins, ilan sa mga savings ay nasa labas ng kontrol ng pamahalaan. Kabilang dito ang mga delay sa mga kasunduan sa mga estado, at delay din ng mga estado sa pagtama ng milestone sa edukasyon, remote housing, kalusugan, tubig at mga environment programs.
- Sa kabila ng tagumpay sa budget surplus, hindi maikakailang marami ang hirap dahil sa krisis ng cost of living. Ayon sa Independent Senator na si Jacqui Lambie, hindi prayoridad ng maraming Australyano ang kita ng pamahalaan kundi ang malagpasan ang kinakaharap na krisis.




