Ang mga atletang Ruso sa larong track and field na napatunayang malinis, ay hahayaang lumaban sa Rio Olympics, subali't mananatiling malabo, kung maari silang maglaro para sa kanilang bansa. Larawan: Ang Rusong long-jumper na si Darya Klishina (AAP)
Ipinahayag naman ng International Olympic Committee na hahayaan nilang maglaro ang mga ito sa ilalim ng bandila ng Rusya.
Tumututol ang pang-mundong namamahalang lupon sa track field, ang International Association of Athletic Federation (I-A-A-F), sa desisyong ito.
Sumagot sila na ang mga Rusong atleta, ay maari lamang sumama bilang indibiduwal, at ituturing bilang neutral athletes.
Share




