KEY POINTS
- Naging kapana-panabik ang paglalakbay ni Jenina noong 2022 nang siya ay kinoronahang Miss Philippines Australia. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang naghatid sa kanya ng maraming mga parangal ngunit naghatid din ng pagkakataon upang simulan ang Hello Philippines Youth Tour Program.
- Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ni Jenina na tulayan ang agwat sa pagitan ng mga kabataang Filipino-Australian at kanilang mayamang kultura. Ang kanyang pangako sa pagtataguyod ng pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ay isang patunay ng kanyang dedikasyon bilang isang cultural ambassador.
- Sa kaibuturan ng pagkakakilanlan ni Jenina ay ang kanyang hindi natitinag na pananampalataya, matatag na ugnayanng pamilya, at malalim na koneksyon sa kanyang pamanang Pilipino.
Ang prestihiyosong plataporma ay isang pagkakataon na ipakita hindi lamang ang kanyang kagandahan at katalinuhan kundi pati na rin ang kanyang adbokasiya para sa pagpapahalaga sa kultura at serbisyo sa komunidad sa pangmundong entablado.