Key Points
- Muling ipinagdiwang ng mga debotong Pilipinong Katoliko ang Pista ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa isang makulay na fluvial parade na ginanap sa Nepean River sa Penrith noong ika-14 ng Setyembre.
- Sinimulan ang selebrasyon sa isang misa sa pangunguna ni Bishop Vincent Long ng Diocese of Parramatta kasama ang Australian Devotees of Our Lady of Peñafrancia (ADOLP).
- Hinikayat ng Obispo kasama ng tagapangasiwa na si Jun Relunia (OAM) ang mga kabataan na makilahok sa mga gawaing pangsimbahan at patuloy na ipagdiwang ang kulturang Pilipino.




