Sa kabila ng matinding pisikal at mental na hamon ng Hyrox, naging daan ito upang higit pang tumibay ang samahan nina Robespierre Dornagon at Guinivere Gonzales bilang magkapareha. Para sa kanila, ang pagharap sa mga hamon nang magkasama ay nagpatibay sa kanilang relasyon at nagbigay ng bagong pananaw sa kahalagahan ng aktibong pamumuhay.
Key Points
- Naging sandigan nina Robespierre Dornagon at Guinivere Gonzales ang isa't isa sa bawat yugto ng kanilang Hyrox training at kompetisyon, na lalo pang nagpatibay sa kanilang samahan.
- Ang kanilang paghahanda para sa Hyrox ay nagpalakas hindi lamang ng kanilang pangangatawan kundi pati ng kanilang kumpiyansa sa sarili, disiplina, at mental health.
- Mula nang inilunsad ang Hyrox sa Germany noong 2017, mas nagiging popular itong fitness sport sa buong mundo na may higit 2.5 milyong katao ang nakilahok sa iba't ibang event sa iba't ibang panig ng mundo kasama na sa Australia.
Mula sa kanilang masinsinang paghahanda hanggang sa pagsabak sa isa sa pinakamalaking indoor fitness racing competition sa mundo, natuklasan nilang ang bawat kilometro ng pagtakbo at bawat functional workout station ay hindi lamang pagsubok sa lakas ng katawan kundi pati sa tiwala sa sarili, disiplina, at katatagan ng isip.

Bagama't bago pa lamang ang Hyrox sa mundo ng sports, mabilis itong lumalago sa Australia. Mula sa unang event noong 2023 na may 1,348 kalahok sa Sydney, umabot na sa halos 30,000 ang lumahok sa limang araw na kompetisyon sa Sydney Showground noong Hulyo 2026.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.




