Kymberlee Street, ang susunod na Miss Grand Australia?

Kymberlee Street

Kymberlee Street Source: SBS Filipino

Kasalukuyang may hawak ng titulo bilang Miss Philippines-Australia 2017, inaasam ni Kymberlee Street ang kanyang ikalawang korona mula sa titulo bilang Miss Grand Australia.


Tanging kanyang ikalawang kompetisyon sa pagandahan at matapos na manalo bilang Miss Philippines-Australia noong nakaraang taon, ang dating mahiyain na si Kymberlee Street ay higit na ang kanyang tiwala sa sarili at makikipagkumpitensya sa 26 na iba pang mga finalist mula sa buong Australya para sa korona ng Miss Grand Australia.

Ang Miss Grand Australia (MGA) ay isa sa pinakabago at pinakamabilis na lumalagong beauty pageant sa Australia na naninindigan para sa makatulong sa pagpapabuti ng sangkatauhan, sa pagtataguyod ng kampanya na 'Itigil ang Digmaan at Karahasan' (Stop the War and Violence) sa lokal at sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga makataong inisyatiba.
Kymberlee Street
Kymberlee Street (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Sa taong ito, ang MGA ay nakipagtulungan sa UN Women National Committee Australia bilang benepisyaryo para sa mga makakalap na pondo ng mga pambansang finalist.

Nagkaroon ng isang lokal na kaganapan si Binibining Street at nakalikom ng mahigit sa $900 at layuning dagdagan pa ito para sa nasabing kawanggawa.

Ibinahagi niya ang higit pa tungkol sa kompetisyon na magaganap sa ika-16 ng Hunyo.

Para sa higit pang mga detalye, magtungo sa Miss Grand Australia.

Panoorin ang bidyo ni Kymberlee Street sa kanyang pagdalaw sa studio:

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand