Baka gusto mong subukan ang pag-aaral ng pagtatanggol sa sarili! Ngunit paano mo pipiliin kung alin ang pinakamahusay na akma sa iyo?
Ang pagpapanatiling angkop ang katawan ay palaging una para sa Bounce Dance Fit instructor na si Ericka Lorenzo. Bukod sa pagiging aktibo sa gym, sinubukan din niya ang boksing. At kamakailan lamang ay pumasok sa pag-aaral ng self-defence na krav maga at wing chun.
Narito ang panayam kay Krav Maga instructor Roen Pobjie at Wing Chun instructor Ka Ming Yuen habang kanilang ibinahagi ang mga pagkakapareho at maging magkakaiba ng dalawa.

Krav Maga instructor Roen Pobjie, Bounce Dance Fit instructor Ericka Lorenzo and Wing Chun instructor Ka Ming Yuen (L-R) (SBS Filipino) Source: SBS Filipino