Key Points
- Ilang beses inilalabas ng bahay ng hands-on mum na si Lovella Paquibot mula Brisbane ang kanyang mga anak kaya doble ingat siya para maging ligtas ang mga ito kahit nakabilad sa araw.
- Ang pag-inom ng tubig o electrolytes ay mahalaga sa araw ng tag-init.Gumamit ng sunscreen na may SPF 50 o mas mataas kapag ilang beses kung ikaw ay nasa labas.
- Palaging suriin ang UV index bago lumabas.
Tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo nasa labas ng bahay naglalaro sa park, sa pool o kaya sa weekend nagtatampisaw sa dagat ang pamilya ni Lovella Paquibot mula Brisbane.

Kwento ng 42-taong gulang na ina pinaplano niya ang mga activities ng mga bata araw-araw lalo na ngayong summer.
Tuwing weekend bumabyahe sila sa ilang lugar at kilalang tourist destination sa Goldcoast.
"Inaaplayan ko sila ng sunscreen palagi. Nagdadala ako ng tubig, juice at prutas para hindi sila ma-dehydrate. I want them to have fun and make our family bonding worthwhile and at the same time keeping everyone safe, " dagdag ng inang si Lovella.
Ayon kay Dr Angelica Scott isang GP mula Sydney, ang katawan ng tao ay maihahalintulad ng isang makina. May thermostat na tumutulong na mapanatili ang temperatura ng katawan ng tao.
Ang katawan ay kumikilos ng iba't ibang paraan upang mapanatili na maayos kapag mainit isa na dito ang pagpapawis.
Kapag mainit, ang ating mga sweat glands ay naglalabas ng tubig o pawis, pagkatapos ay umaalis mula sa ating balat at nakakatulong sa pagtanggal ng init at pinapalamig ang katawan.Dr Angelica Scott
Dahil ang katawan ng tao ay maaaring makaranas ang heat exhaustion at pinakapeligro ang heat stroke, babala niya dapat bantayan ang alinmang mga sintomas.
Ang overheating ay maituturing na isang medikal na emerhensiya. Mahalaga na malaman ang mga senyales kapag nakakaranas ng heat exhaustion. Ang mga sintomas ay kasama ang matindiang pagpapawis, paghihina, pananakit ng tiyan, pagkahilo, mahinang pulso o mabilis na tibok ng puso na bumababa, at tuyong balat. May ilang maaaring mawalan ng malay.Dr Angelica Scott
Upang maiwasan ang overheating o heat-related na mga sakit kapag tag-init , narito ang payo na ibinahagi ni Dr Scott.
1. Uminom ng maraming tubig o may electrolytes.
2. Kumain ng prutas at gulay, iwasan ang matatamis o puno ng sugar at matatabang pagkain.

3. Huwag kalimutan ang protective clothing o manipis na damit, sombrero, sunglasses, sunscreen, at maaaring maghanap ng masisilungan o shade.
Samantala itinataguyod ng SunSmart, sa estado ng Victoria ang kanilang kampanya sa kanilang skin cancer prevention program at ito ay tinawag na 'Don’t Let Cancer In'.
Panawagan ng grupo gawing bahagi ng pang-araw- araw na buhay ng mga tao sa buong mundo ang sun protection, hindi lang sa panahon na nasa beach o parke.
4. Bago lumabas suriin muna ang panahon at UV levels at ibatay dito ang mga kaganapan.
Ang palaging pagbilad sa mataas na UV radiation ay pangunahing sanhi ng skin cancer.

5. Alamin ang iyong limitasyon at iwasang magpapagod ng sobra.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa UV levels araw araw sa inyong lugar i-clik dito.
Bisitahin din ang Australian Radiation Protection and Nuclear Safety Agency dito.







