Isang abogado sa abiyasyon ang nagsabi na ang paghahabla sa Rusya at ang kanyang pangulo sa European Court of Human Rights dahil sa pagbagsak ng MH-17 ay magiging mahirap na kasong legal. Larawan: Labi ng MH 17 (AAP) LARAWAN: NAWASAK NA MH-17 (AAP)
Si Jerry Skinner ang kumakatawan sa mga kamag-anak ng ilan sa mga namatay nang ang eroplano Malaysian Airlines ay tinamaan ng missile sa ibabaw ng Ukraine noong Hulyo ng 2014.
Kumikilos siya para sa tatlumpo't tatlong kamag-anak, ng mga taga-Australya, New Zealand at Malaysia, at gusto niyang mabayaran ang mga ito, ng sampung milyong dolyar bawat isa.
Share



