Key Points
- Ang football ay isang 'team sport'.
- Binubuo ng 11 manlalaro ang isang koponan para makapaglaro - kasama ang mga goalkeeper, defenders, midfielders at forwards o strikers.
- Taong 1967 nang unang gamitin ng men's football team ng Australia ang kanilang pangalan na 'Socceroos'; 1995 naman ng regular nang gamitin ang Matildas' para sa women's team ng Australia.
Ang matutunan ang ginagampanang papel ng bawat manlalaro ng isang football team ay susi sa tagumpay ng koponan.
Tungkulin ng 'goalkeeper' na pigilan o harangan ang pagpasok ng bola sa goal. Madalas din silang tinatawag na “goalie” o “keeper”.
Trabaho naman ng mga 'forward' o kilala din sa tawag na 'strikers' ang maipasok sa net ang bola para makagawa ng score. Sila ang madalas na sumusugod papalapit sa net para maka-iskor.
Napakahalaga din ng papel ng mga “defenders”. Kailangan nilang madepensahan o maprotektahan ang sariling goal o net ng team. Dapat nilang siguraduhin na hindi makakalagpas sa kanila ang bola ng kalaban at hindi makapasok sa goal.
Malaki rin ang papel ng mga "midfielders" sa laro ng koponan. Sila ang mga manlalaro na madalas na nasa gitnang linya o sa hati ng field. Gaya ng goalie, forwards o strikers at defenders, napaka-halaga din ng role ng midfielders. Dapat na magaling sa parehong defense at offense ang mga midfielders.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino