Key Points
- Mas magiging accessible ang pathway sa Permanent Residency sa mga pagbabago sa Temporary Skill Shortage Visa Subclass 482.
- Isa din sa mga pagbabago ay pagtatanggal ng limitasyon sa bilang ng apllikasyon ng Short term stream Temporary Skill Shortage visa.
- Nagsimulang maging epektibo ang mga pagbabago noong ika-25 ng Nobyembre 2023.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino sa isang Registered Migration Agent na si Em Tanag, ibinahagi nito na ang mga magiging benepisyo sa mga may hawak ng Temporary Skill Shortage Visa Subclass 482.
Dahil dito sa announcement ng government, magkakaroon ng mas madaling access sa permanent residency ang mga Temporary Skill Shortage Visa Subclass 482 holders.Registered Migration Agent Em Tanag
“Noong 2017 noong binago ng gobyerno mula 457 to 482, maraming mga working visa holders ang nawalan ng pathway for PR lalo na yung mga occupation ay wala sa Medium and Long Term Strategic Skills List. Ang nangyari noon ay yung may pathway lang to PR ay may occupation sa Medium and Long Term Strategic Skills List at hindi lahat ng nasa short term list at regional, hindi lahat ay may pathway to PR.”

Bridges Immigration Law Solutions Registered Migration Agent Em Tanag
Idinetalye pa ni Ms Em Tanag ang ilan pang pagbabago sa podcast na ito:
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.