Kabilang si Max sa daan-daang alagad ng sining mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na dumalo sa gabi ng parangal sa Brisbane Convention and Exhibition Centre.
Kahanay ni Max Eigenman sa kategoryang ito sina Ji-Hu Park ng South Korea at Estados Unidos, Yong Mei ng People's Republic of China.
Ayon kay Max, isang malaking karangalan na mabigyan ng boses ang mga bikitima ng domestic violence.

Max Eigenmann with 2019 APSA winners (L-R) Manoj Bajpayee, Philippe Bellaiche, Ridham Janve, Jang Young-Hwan, and Rodd Rathjen . Source: Supplied by Celeste Macintosh
"It’s one of the most difficult roles that I ever played in my entire career. It's such an honour to be the voice of women all over the world, as well as our country, for domestic violence."
Si Max ay galing sa pamilya ng mga batikang aktor sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Siya ang anak ng yumaong aktor na si Mark Gil at ng aktres na si Bing Pimentel. Siya rin ang pamangkin ng mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Michael de Mesa.
Hindi nakadalo sa gabi ng parangal ang direktor na si Lav Diaz na nominado para sa kategoryang Achievement in Directing.
Hindi ito ang unang pagkakataong nabigyang pansin ang mga likhang Pilipino sa APSA. Noong nakaraang taon, kabilang sa mga nominado ang National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab para sa kanyang likhang musika sa pelikulang ‘Ang Larawan’ at ang direktor na si Khavn dela Cruz para naman sa kanyang pelikulang ‘Balangiga’ (Howling Wilderness).
Noong 2017, nagawaran ng parangal ng International Federation of Film Producers Associations ang producer na si Bianca Balbuena para sa kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pelikula.
Bagamat hindi kasama ni Max sa Brisbane ang kanyang pamilya at mga katrabaho sa pelikula, inialay ni Max ang parangal sa mga ito lalo na sa kanyang yumaong ama.