May kasiyahan sa paglilingkod sa komunidad ng Ali Curung, sabi ng Pinay outback store manager

Mary Cris Carias-Cooper with Indigenous Australians.jpg

Filipino-Australian Mary Cris Carias-Cooper [2nd - L] inaming pamilya na ang turing niya sa mga Indigenous Australians sa Ali Curung, Northern Territory, kaya naman pinagbubutihan niya ang pagbibigay serbisyo bilang remote store manager sa isang Outback store. Kasama sa larawan ang staff at masayang costumer na mga Indigenous Australians bitbit ang special bargain bag na may lamang kangaroo tail na sumikat sa social media. Source: Nicola Pitt

Niyakap ng isang Pinay Outback store manager sa Northern Territory ang komunidad ng Ali Curung sa pamamagitan ng pagbibigay ng de kalidad na serbisyo, na tugma sa misyon ng Outback Stores sa tulong ng Komonwelt at mga eksperto sa retail na mabigyan ng sapat, masustansya at abot-kayang pagkain ang mga Indigenous Australians.


Key Points
  • Ang Filipino-Australian Mary Cris Carias-Cooper katuwang ang asawang si Joey Cooper ang mga namamahala sa Mirnirri Store sa Ali Curung.
  • Tinatayang humigit-kumulang nasa 500 Indigenous Australians ang naninirahan sa Ali Curung.
  • Itinatag ang mga Outback Store noong Nobyembre 2006 at sinimulan ng pamahalaan ng Komonwelt at mga ekspertong nagtatrabaho sa korporasyon upang itaguyod ang positibong epekto sa kalusugan, trabaho at ekonomiya ng mga Indigenous Australians.
  • Ang special bargain bag na binabalik-balikan ng mga Indigenous Australians ay may lamang kangaroo tail, mga prutas at gulay.
  • 50 Outback stores ang operational sa buong Australia, ito ay matatagpuan sa NSW, Northern Territory, Western Australia, at South Australia.
Store manager sa Mirnirri isang Outback store sa Ali Curung Northern Territory si Mary Cris Carias-Cooper o kilala bilang si Crissy mula Manticao Misamis Oriental sa Mindanao. Katuwang niya sa pamamahala ng malaking tindahan ang kanyang asawang si Joe Cooper.

Ang Ali Curung ay matatagpuan halos apat na oras na byahe mula Alice Springs, kung saan tinatayang may naninirahang higit limang daang mga Indigenous Australians.


Kwento ni Crissy, ramdam niya ang pagmamahal sa kanilang mag-asawa ng mga Indigenous Australians sa lugar kaya tinodo niya ang pagbibigay ng serbisyo.

"Close ko na silang lahat, kahit saan ako nakita nila tinatawag at talagang pinapansin nila ako kahit mga bata, pati sa birthday iniimbita na kami doon ko natikman ang kangaroo tail. Kaya bilang manager gumagawa kami ng special bargain bags at yummy take-away.

Binabalik-balikan nila ang special bargain bag na ginawa ko na may lamang kangaroo tail na may kasamang mga gulay at prutas," masayang pahayag ni Crissy.


Ang pagkain ng kangaroo tail ay bahagi na ng kultura at tradisyon ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander people.


Ayon sa Communications Officer ng Outback Stores na si Nicola Pitt, pinuri nila ang nakakahanga ang ginawa ng Filipino Australian na si Crissy dahil ang mga ginagawa nito ay tugma sa kanilang misyon sa mga lugar kung saan maninirahan ang maraming Indigenous Australians.

"Our mission is to be a sustainable business that makes a positive difference in the health employment and economy of remote indigenous communities by improving food affordability, availability, nutrition, and community services.

Crissy really enjoys providing good service to her customers. She thinks of creative ways to do that, the bargain bags were the most popular items which is a great way of promoting healthy food and vegetables at a reduced price. In fact, it was one of these bags that provides us with our most popular photo on social media."

Maliban sa pamamahala ng Mirnirri store, pagluluto at pag-aayos ng mga pagkain, aktibo din sa mga kaganapan ang mag-asawa kasama ang mga Indigenous Australians.

Dahil sa angking galing na ipinamalas ni Crissy, ayon ky Nicola Pitt ng Outback Stores gusto nilang maghanap ng ibang Pilipinong gustong maging katuwang sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Indigenous Australians na naninirahan sa mga malalayong lugar sa Australia.

"Working in outback stores is a really unique opportunity to see a part of Australia that most people never get to visit. So, we are always looking for a hardworking and passionate store manager like Crissy.

If there are any others within the Filipino community who would like to experience the adventure of working outback Australia, please get in touch with us," paghikayat ni Pitt.

Nagpapasalamat naman si Crissy sa oportunidad na magkaroon ng maganda at makabuluhang trabaho dahil nakakatulong siya sa pamilya sa Pilipinas.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand