Key Points
- Sa pagtatantya ni Lowella McAlister na may-ari ng isang Balikbayan Box Services, maaring abutin ng 200 to 300 AUD ang budget sa halaga ng mga produkto gaya ng mga delata sa isang box.
- Isa sa payo nito na gawin ang pagbili ng bultuhan ng mga nais ipadala upang mas makakatipid.
- Magbasa din anya ng catalogue sa mga supermarket para malaman ang mga naka-sale o half-price na produkto.
- Mamili din sa mga factory outlet at warehouses kung saan mas mababang presyo ang mga branded na damit at gamit.
Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.




