Key Points
- Sa tala ng Australian Institute of Health and Welfare, isa sa bawat limang Australyano ang may karanasan sa mga isyung pangkalusugan ng pag-iisip.
- Aabot sa walong Australyano ang nagsu-suicide kada araw ayon sa Australian Bureau of Statistics noong 2022.
- Ang mga karaniwang sanhi ng mga problema sa kalusugan ng pag-iisip sa mga migrante ay ang hirap sa pagsasalita ng wika, homesickness, adjustment sa bagong kultura, at iba pa.
Hindi lingid sa kaalaman ni Allan Vargas ang kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan o mental health lalo na para sa mga kagaya niyang migrante rito sa Australya.
Bago naging Chef dito sa Australya ay dati na ring nagtrabaho sa isang mental health facility si Allan noong siya ay nasa Pilipinas pa lang.
Nakapagtapos siya ng kursong Clinical Psychology sa Bataan at nagtrabaho ng ilang taon sa larangang ito.
"Napakahalaga ng mental health kasi nasa malayo ka. Unang una kung student ka o kung nag migrate ka, ikaw lang mag isa rito, wala kang makausap na family member o close friends, wala kang mapaglabasan ng sama ng loob," kwento ni Allan.
Chef Allan Vargas
Kung sa panig ng mga migrante, ang karaniwang dahilan ng kanilang problema ay ang pangungulila sa pamilya o homesickness, pag-adjust sa bagong kultura na hindi nakasanayan, at paggamit ng ibang lenggwahe na maaaring magdulot ng depresyon, anxiety, o post-traumatic disorder lalo na para są mga humanitarian migrants o refugees.
Sa Australya, maraming mga organisasyon at ahensya ang nag-aalok ng suporta at serbisyo patungkol sa mental health.
Ang mga serbisyong ito ang nais ihatid ng Rotary Club sa Blacktown New South Wales itong darating na ika-dalawampu’t isa ng Hunyo.
Tinawag na Winter Solstice ang aktibidad na ito at may temang “to shine a light on the darkness”.
Elizabeth Policarpio-Amper, Rotary Club of Blacktown City
"This is to support the family and friends of those who have lost family and friends due to suicide," saad ni Elizabeth.
"We chose the 21st of June because that’s the shortest day of the year; it’s a free event. With the rise in the cost of living and many mental health issues, we want to make sure that we reach out to as many Filipinos as possible, especially Blacktown has a huge Filipino community, so we are inviting them to be part of this event."
It’s a community coming together, for them to have someone to talk to.Elizabeth Policarpio-Amper, Rotary Club of Blacktown City President
Kung ikaw o ang iyong mga kaibigan at kapamilya ay nakakaranas ng mga problema sa mental health, mahalagang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na ahensya at organisasyon kagaya ng Lifeline Australia, numero bilang 13 11 14.
Gayundin ang Beyond Blue na siyang nagbibigay ng impormasyon, suporta na may kinalaman sa mental health at maaring silang tawagan sa numerong 1300 22 4636.