KEY POINTS
- Ayon sa ulat na 'Priced Out', batay sa renta ng mga capital city, ang mga tumatanggap ng minimum wage ay may maitatabi na lamang na $25 kada araw matapos bayaran ang renta. Habang ang mga nakaasa sa Age Pension and Disability Support Pension ay may $8 kada araw. Ang umaasa sa JobSeeker ay wala nang maitatabi at mangangailangan pang mag-abono ng mahigit $100.
- Sa labas ng mga malalaking syudad, ilan sa mga mahal ang renta ay sa Gold Coast, Sunshine Coast, Wollongong at Northern Western Australia.
- Ayon sa mga advocates, kailangang tugunan ang isyu sa pamamagitan ng pagtaas ng antas ng income support payment, kasabay ang proteksyon para sa mga nagrerenta, reporma sa buwis at mas maraming social housing.




