Key Points
- Ang diskriminasyon batay sa relihiyon lamang ay hindi labag sa batas sa ilalim ng federal anti-discrimination law, ngunit maaaring labag sa batas estado o teritoryo.
- Ang Fair Work Commission, Australian Human Rights Commission at local anti-discrimination bodies ay ang mga forum para sa pagsusumite ng reklamo sa diskriminasyon sa relihiyon sa labas ng korte.
- Sa ilang mga kaso, maaaring mayroong mga lehitimong dahilan para sa paghihigpit sa kalayaan ng isang manggagawa na isagawa ang kanilang relihiyon.
Sa Australia, walang isang parehas batas para sa proteksyon sa relihiyon, at sa nakalipas na mga taon ay may mga proseso para sa pagtatatag ng isang Religious Discrimination Bill.
Sa konteksto ng trabaho, mayroong mga pambansang proteksyon laban sa diskriminasyon batay sa relihiyon sa ilalim ng Fair Work Act 2009, ngunit limitado ang saklaw nito.
Si Karina Okotel ang Principal lawyer sa Racial & Religious Discrimination Legal , ito ay isang national community legal center na nakabase sa Australian Capital Territory (ACT).

Ipinapayo niya na ang unang hakbang para sa isang empleyadong maaaring nakaranas ng diskriminasyon sa relihiyon ay makipag-ugnayan sa Fair Work Commission upang matukoy kung ang kanilang kaso ay kwalipikado para sa isang reklamo sa ilalim ng batas.
"Maari silang gumawa ng desisyon na may bisa. Ngunit ang saklaw ng mga uri ng reklamo na maaaring gawin sa Fair Work Commission ay malinaw na tinukoy at may mga limitasyon sa paligid nito."

Halimbawa, labag sa batas para sa mga employer na gumawa ng masamang aksyon laban sa isang kandidato dahil sa kanilang relihiyon.
"Ang diskriminasyon sa mga pamamaraan ng pagkuha ng mga empleyado ay nangyayari. Ngunit napakahirap patunayan at maaaring nakaugat sa hindi sinasadyang pagkiling," sabi ni Okotel.

Maaaring may mga uri ng diskriminasyon sa relihiyon sa lugar ng trabaho, kasama na ang nangyayari sa pagitan ng mga katrabaho, na hindi sakop ng Fair Work Act.
Sa antas ng pederal, maaaring magsampa rin ng reklamo sa Australian Human Rights Commission, na may kapangyarihang gabayan ang proseso ng pag-aayos at magbigay ng mga rekomendasyong hindi obligado sundin.

"Kaya, napakahalaga para sa mga tao na humingi ng payong legal dahil ang abogado ay maaaring gumamit ng iba't ibang mga opsyon at tingnan kung ano ang maaaring maging pinakamahusay na hakbang na dapat gawin, batay sa mga limitasyon ng ating mga batas," pagtatapos ni Okotel.
Para sa impormasyon tungkol sa pagsasampa ng reklamo sa diskriminasyon sa relihiyon sa antas ng estado/teritoryo, bisitahin ang:
| ACT | ACT Human Rights Commission | https://hrc.act.gov.au/ |
| NSW | Anti-Discrimination Board of NSW | https://antidiscrimination.nsw.gov.au |
| NT | Northern Territory Anti-Discrimination Commission | http://www.adc.nt.gov.au/ |
| QLD | Queensland Human Rights Commission | https://www.qhrc.qld.gov.au/ |
| SA | South Australian Equal Opportunity Commission | https://eoc.sa.gov.au/ |
| TAS | Equal Opportunity Tasmania | https://equalopportunity.tas.gov.au/ |
| VIC | Victorian Equal Opportunity & Human Rights Commission | https://www.humanrightscommission.vic.gov.au/ |
| WA | Western Australian Equal Opportunity Commission | http://www.eoc.wa.gov.au/ |







