Key Points
- Higit 45 na organisasyon ng perinatal sa buong Australia ay nagsasama-sama para magbigay ng tamang suporta para sa buntis at bagong mga magulang
- Sa taong 2021 umaabot sa 3.4 milyong Australians na nasa edad 16 - 85 taong gulang ang kumukunsulta sa health professionals tungkol sa kanilang mental health
- Ang Perinatal Mental Health Week ay ginugunita sa ika-6 hanggang 12 ng Nobyembre, at lahat ng partner organisations ay tampok sa Perinatal Mental Health Support Finder, ito ay isang tool para sa tamang suporta nilang may kondisyon
Sabik na magka-anak at maging magulang ang mag-asawang Ressie at Joel Davis mula Sydney, kaya pinaghahandaan nila ang ang pagdating ng kanilang unang anak. Bilang paghahanda dumalo sila sa mga anti-natal class at nakipag-ugnayan sa grupo ng mga magulang para gabayan sila bilang first-time parents.
Ang sintomas at karanasan
Ayon kay Ressie, bilang ina inaasahang magagawa niya ang lahat para alagaan ang kanilang anak, subalit ang hindi niya alam ang kanyang karanasan ay iba sa pangkaraniwan.
"I'll always love being a mum but it's just so hard that was my experience or either we just hold him in our arms most of the time or try to cuddle him," kwento ni Ressie.
Dahil dito kulang sa tulog at halos walang pahinga si Ressie, tinutulungan man siya sa mga gawing-bahay ng asawa pati pag-aalaga sa bata kung wala ito sa trabaho pero inamin nito nahihirapan na ito ng husto.
Dismayado din siya sa kanyang sarili dahil tila hindi sapat ang kanyang ginagawang pagsisikap na alagaan ang anak.
" And I found myself crying a lot when you really just couldn't handle it anymore, that you felt like isolated and alone your husband is at work you're there with your child," dagdag ng inang si Ressie.
Bagong resulta ng pananaliksik
Ang karanasang ito ni Ressie na dalawang taon na ang nakalipas ay hindi bago, dahil ayon kay Emma McBride ang Assistant Minister ng Mental Health and Suicide Prevention. Lumulobo ang bilang ng pangangailangan ng perinatal mental health support sa Australia.
At lumabas sa pag-aaral na isa limang bagong ina at isa sa sampung bagong ama ang nakakaranas ng depresyon at pagkabalisa, sa simula pa lang ng pagbubuntis hanggang isilang ang bata, katumbas ito ng humigit-kumulang 100,000 Australyanong magulang bawat taon.
Alinsunod sa Perinatal Mental Health Week 2022 simula ika-6 hanggang 12 ng Nobyembre, mahigit 45 perinatal na organisasyon ang nagkakaisa upang tulungan ang mga nakakaranas ng problema sa perinatal mental health na makahanap ng tamang suporta para sa kanilang mga partikular na pangangailangan.
Abot-kamay na suporta
Dagdag ni Assistant Minister McBride, huwag mahiya at manahimik kapag nakakaranas ng sintomas dahil maraming makukuhang suporta.
"Anyone can be impacted by the perinatal mental health condition, they come unexpectedly, and they impact everyone differently. What might be normal for one person might look completely different for others."
Matapos ang ilang pagbisita ng community nurse sa lugar ni Ressie dito na siya inilapit sa mga organisasyong makakatulong sa kanyang mental health issue, giit pa ng ina hindi niya alam na tinamaan siya ng postnatal depression.
"They tried to settle my child and saw that it was really hard. I’m glad they saw it from my perspective - that my child was really hard to settle. I felt understood." dagdag pa ni Ressie.
Nabahiran man ang relasyon ng mag-asawa dahil sa pinagdaanan ni Ressie, inamin nito may pagkukulang din siya dahil tinago niya ang lahat sa sarili at hindi niya ipinaalam sa asawa pati sa kanyang pamilya ang nararamdaman, na handa palang sumuporta sa kanya.
"He was always there- but I didn't share anything about my feelings because I put on more pressure on myself but more than I know he is more than willing to help me out but again he needs instruction or direction."
Sa ngayon tatlo na ang anak ng mag-asawang Ressie at Joel, habang patuloy ang kanilang pagharap sa hamon ng buhay at i-balanse ang kanilang panahon sa trabaho at pamilya.
"It's hard work but you do it out of love, you do it out of what's best for everybody and I felt like if you will not take care of yourself if you're not gonna be able to take care of others very well either so it is its gonna be tricky.
I learned to be more relaxed, especially the second time around. Going through it doesn't necessarily mean easier it's a different experience but that's I guess my journey of motherhood.
Despite how hard it is, I definitely love it, everything is still worth it," pahabol ni Ressie.
Tugon ng gobyerno at partner organisations
Ayon kay Assistant Minister McBride, umaabot sa 3.4 milyong Australians na nasa edad 16 hanggang 85 taong gulang ang kumukunsulta sa health professionals sa buong bansa tungkol sa kanilang mental health sa taong 2021.
Dagdag hamon pang ang mga bagong magulang at mga buntis na dapat i-navigate para upang suportahan sa nararanasang perinatal depression at pagkabisa lalo't nangyayari ito ng mabilis sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nilalayon ng Perinatal Mental Health Week na tugunan ang stigma at mga hadlang na nauugnay sa perinatal depression at pagkabalisa, kalungkutan at pagkawala, at trauma ng panganganak.
Bilang tugon sa isyu, itinatampok ng gobyerno kasama ang mahigit 45 partner organisations ang Perinatal Mental Health Support Finder, ito ay isang online tool upang tulungan ang mga nakakaranas ng sintomas ng perinatal mental health isyu o ang kanilang tagapag-alaga na mahanap ang tamang serbisyo at suporta.
Upang malaman ang tungkol sa lahat ng suportang magagamit sa buong Australia, bisitahin ang pmhweek.org.au para gamitin ang Perinatal Mental Health Support Finder.
Kung ikaw o may kakilala na nakakaranas ng sintomas ng postnatal depression, para sa suporta makipag-ugnayan sa :
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.