Mga kababaihan hindi na kumukunsulta sa doktor tungkol sa kanilang timbang sa takot na mahusgahan

Weightloss weighing scale.jpg

Lumabas sa bagong pananaliksik na higit sa kalahati ng mga kababaihan sa Australia ang nararamdamang hinuhusgahan ng mga healthcare professionals ang kanilang timbang. Source: SBS Filipino

Sa bagong pananaliksik kalahati o 52 porsyento ng mga kababaihan sa Australia ay nakadama na hinuhusgahan ang kanilang timbang ng kanilang mga healthcare professionals, tuloy naging hadlang ito para ikunsulta ang iba pa nilang mga sakit.


Key Points
  • Mahigit sa kalahati ng mga kababaihang Australian ay nararamdamang hinuhusgahan ng mga healthcare professionals ang kanilang timbang
  • Dahil sa takot na mahusgahan, naging hadlang ito para umayaw ang mga kababaihan na magpatingin sa doktor ano man ang nararamdamang sakit
  • Ang bagong telehealth service ay nabibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan na humingi ng payo at tuklasin ang mga opsyon sa panggagamot sa kanilang timbang at ibang sakit sa loob ng sariling tahanan
Taong 2021 nasungkit ng Pilipinang si Cilyn Singh ang titulong Mrs Glamour Look Australia at marami pang special awards.
Pero sabi nito hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan, lalo na sa pagpapayat, lalo't dalawa na lang kanyang naging anak.

"Noong sumali ako sa pagent nagdiet ako dahil ginusto ko, hindi kayang mag-high heels kung mataba ka. For one month, no rice instead I only eat fruits and salad at maraming tubig. Oh my gosh, it's so mahirap," kwento pa ng disability support worker na si Cilyn.
Cilyn pageant.jpg
Naniniwala si Cilyn Singh hindi siya komportable na kausapin ang GP ang tungkol sa timbang, dahil ramdam nito na mahusgahan, kaya mas pabor ito sa telehealth na kunsultasyon. Source: Cilyn Singh
Ayaw ni Cilyn na mapahiya kaya kinaya ang lahat, lalo't kilalang isa sa pinaka-aktibong personalidad sa social media sa Sydney. Dahil dito marami siyang mga kaibigan, kaliwa't kanan din ang mga salu-salo o party na kanyang dinadaluhan.

Inamin ng inang si Cilyn nagpakunsulta na ito dati sa doktor pero inamin niya hindi siya komportable na pag-usapan sa harap ng kanyang doktor ang pagpapayat o kahit anong sakit na may kaugnayan sa kanyang timbang.

"Parang feeling ko ma-trauma ako baka sabihin sa ibang tao tapos everytime na makikita ko yong tao na yan baka na-judge na ako ng hindi ko alam."

Hindi nag-iisa si Cilyn dahil lumabas sa ginawang pananaliksik ng Juniper higit sa kalahati ng mga kababaihan sa Australian o 52 porsyento ang nararamdamang hinuhusgahan ang kanilang timbang ng kanilang mga healthcare professionals kapag humihingi ng payo.

At resulta nito, sabi ni Dr Ramy Bishay isang Endochrinologist kahit ang ibang nararamdaman o sakit ay hindi na ikinukunsulta sa GP.

"Your judge is hyper-apparent to women. Women are more susceptible to blame and shame and feel weight bias and weight stigma made worse by social expectations.

This is compounded by a lot of the nature of women's roles because they adopt caregiving responsibilities which leads them to put their needs over others, it is about time to tackle and head on," explains Dr. Bishay.

Inihayag din na ang pag-iwas sa tulong ng mga healthcare professionals ay maaaring dahilan para malagay sa kompromiso ang kalusugan ng mga kababaihan.

Bagay na ikinabahala ng mga eksperto lalo’t  lumabas din sa pananaliksik na dalawa sa tatlong  Australian adults ang overweight, kaya  tinatayang mapapagastos ang gobyerno ng sa higit 11.8 bilyong dolyar bawat taon para sa  kalusugan.

Kaya isang alternatibo ang inilunsad ng Juniper at tinawag na Juniper Weight Reset program. Kung saan maaari ng hindi makipagkita sa doktor ng personal para sa pagpapapayat o weight loss management. Magagawa ito sa pamamagitan ng telephone health consultation para sa payo at tuklasin ang ibang opsyon sa panggagamot o pagpapapayat kahit nasa loob ng kanilang bahay.

"This provides an opportunity for Australian women to access medical advice on large topics including weight loss it is particularly useful for those who can't come to medical practice as they have too much to do.

It puts them in control of the conversation at a time that is comfortable and safe."

Cilyn Bday.jpg
Naniniwala si Cilyn Singh na hindi makatarungan na husgahan ang isang babae batay sa kanyang hitsura o timbang. Source: Cilyn Singh

Bagay na ikinagagalak ng inang si Cilyn, dahil mas marami umanong matutulungan na mga kababaihan na my weight stigma.

"Mas komportable ako na hindi ko nakikita ang kausap ko, kasi kung makikita mo siya everywhere of course maiisip mo mahihiya ka dahil alam niya ang hindi dapat alam ng ibang tao, kaya mas maganda ang telephone consultation," paliwanag ni Cilyn.

Pinayuhan naman ni Dr Bishay ang mga kababaihan na may stigma.

"You're not alone and health care professionals are here to help, telehealth weight loss programs help women to take control of their health and remove the stigma around talking about weight management ."

Nagpaalala naman si Cilyn kapag may gustuhing mangyari tulad ng pagpapapayat magkatotoo ito kapag may determinasyon.

"Sana huwag na lang i-judge dahil hindi nyo alam ang pinagdadaanan ko. Sa karanasan ko, mag-zumba makakapayat yon at masarap pagpawisan."

Dagdag paliwanag ng eksperto holistic approach ang ginagamit ng telehealth consultation para mas epektibo ang panggagamot sa mga kababaihan.


Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor. 

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand