Key Points
- Inamin ni Beth Lofthouse ang ina ni Chloe, nakapagdesisyon silang ipasali sa mga pageant at charity event ang anak dahil sa noong una ay mahiyain ito.
- Todo suporta ng buong pamilya ni Marilou Caygill ang anak na si Cataleya matapos nakitaan ng pagkahilig sa pageant at modeling.
- Dahil sa lumaki na puno sa pagmamahal si Jane Estorque noong kabataan, binuhos niya ang suporta sa anak na si Maira Hall hanggang nakita ang potensyal sa pageant at pagkakawang-gawa.
Maliban sa beauty pageant, aktibo sila Little Miss Philippines-Australia 2023 Cataleya Caygill, Little Miss Philippines Princess 2023 Maria Hall at Little Miss Philippines -Australia 2022 Chloe Lofthouse sa mga charilty events para makatulong sa nangangailangan.

Sa murang edad pinapaunlakan ng mga bata ito ang Fiesta Kultura at ibang kaganapan ng Filipino community dito sa Australia suot ang pambansang mga kasuotan para ipakita ang mayamang kultura ng mga Pinoy.
Hindi lang magagaling sa pagrampa at entablado ang mga ito, dahil inamin ng kanilang mga magulang sila ay may matataas na marka sa kanilang klase at aktibo din ito sa mga extra-curricular activities sa kani-kanilang mga paaralan.
Umaasa ang mga batang Beauty Queens na darating ang panahon na magbibigay din sila ng karangalan, hindi lang sa larangan ng pageant sa kanilang mga magulang pati sa Pilipinas at buong komunidad ng mga Pinoy dito sa Australia.
Nangako naman ang kanilang mga magulang na patuloy silang susuporta sa mga anak hanggang sa makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.





