Ibinalik ng Australian Museum sa kanilang pinagmulan sa silangang bahagi ng Pacific ang mga labi ng 17 ninuno mula sa Rapa Nui. Dahil dito, muling umigting ang panawagan na ibalik din ang mga higanteng estatwa o Moai na nasa British Museum. Pero ayon sa isang archaeologist na nakabase sa UK, hindi dapat basta baligtarin ang mga kasunduang ginawa noon ng mga panig na parehong pumayag sa mga ito.
Mahaba ang naging paglalakbay ng mga labi ng 17 ninuno mula sa Rapa Nui.
Noong 1882, kinuha ang mga ito mula sa kanilang mga sagradong libingan ng isang German naval expedition nang walang pahintulot ng mga katutubong Rapa Nui. Kalaunan, napunta ang mga labi sa Australian Museum.
Para sa mga katutubong Rapa Nui tulad ni Victor Pakomio, ang pagbabalik ng mga labi makalipas ang halos 150 taon ay bahagi ng patuloy na paghilom mula sa mga sugat at epekto ng kolonisasyon.
"I cry because I see the carving of my people in the past," he says.
I cry because I see the carving of my people in the past.Victor Pakomio
Ang Rapa Nui ay isang teritoryo ng Chile na bahagi ng Polynesia, at nasa tinatayang lima't kalahating oras na biyahe sa eroplano mula sa kabisera nitong Santiago. Kilala rin bilang Easter Island, tanyag ito sa mga higanteng estatwa na tinatawag na Moai.
Pinondohan ng Australian Museum Foundation ang pagbabalik ng mga labi. Si Melissa Malu ang namumuno sa Pasifika Collections and Engagements ng Australian Museum. Para sa kanya, ang pagbabalik ng mga labi ng mga ninuno ng Rapa Nui ay isang paraan para itama ang mga pagkakamali ng nakaraan.
"Where the relationship has been built where we have consulted and there is a pathway for return, it is important for the Australian Museum to carry out this work," saad Malu.
However, other museums around the world continue to retain artefacts and remains from Rapa Nui. Despite appeals for repatriation - the British Museum maintains possession of two stone statues or Moai - including the giant Hoa Hakananai'a.
Sa isang pahayag sa SBS Our Pacific, sinabi ng isang tagapagsalita ng British Museum na "The museum recognises the significance of Hoa Hakananai'a and Moai Hava for the Rapa Nui community today, and acknowledges the impact of their removal from the island."
There is no wrong to be righted, therefore no return.Mario Trabucco della Torretta
Sinusuportahan naman ng UK-based classical archaeologist na si Mario Trabucco della Torretta ang posisyon ng British Museum na panatilihin sa kanilang pangangalaga ang Hoa Hakananai’a.
"On this, particular case, I say there was no wrong to be righted, therefore no return. There is a report from 1869 that basically says that the Rapa Nui people were actually helping out the British sailors in digging out the Moai. First of all, pointing their attention to it, then digging it out with them, and then helping them out in bringing it over on the ship on HMS Topaze. So, in this situation, we have an acquisition that has been done legitimately, has been done without any wrongdoing. So, if you come after that, after 150 years, 200 years and say, 'No, I want it back. It was all wrong.' For me, this is the wrong. This is basically wanting to rewind the clock of history and trying to build an alternate past."
Let us have our ancestral spiritual power back.Francisco Nahoe
Ngunit para kay Friar Francisco Nahoe, isang pari mula sa Rapa Nui, ang tunay na lugar ng mga Moai ay sa kanilang sariling bayan, kung saan mas mauunawaan ang kanilang kahalagahan at kahulugan sa kultura.
He says, "Let us have our ancestral spiritual power back."
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.





