Key Points
- Ang mobile consular mission ay maglilingkod para sa passport applicants at magsasagawa din ng oath of allegiance sa mga petitioners for dual citizenship na nakatanggap na ng approval letters mula sa Embassy.
- Ang passport appointment slots ay magiging available sa 22 October 2022 (Saturday) at 7:00 PM (Perth time) sa pamamagitan ng DFA’s Global Online Appointment System (GOAS) na ma-access sa: https://www.passport.gov.ph/appointment
- Para naman sa mga hindi makakakuha ng appointment slot sa panahon ng booking period, maari po kayong magpadala ng email sa perthmobilemission@gmail.com ang email po na ito ay ma-activate lamang matapos na mapuno ang appointment slots.
Para sa mga karagdagang detalye sa mobile consular mission ng embaha, puntahan ang website ng embahada sa philembassy.org.au o sa kanilang Facebook page.

How to listen to this podcast Source: SBS