Mala-aksidente ang pagiging negosyante ng dating housewife na si Jackie Climaco-Zulliger na tinulungan ang asawa na pagandahin o 'i-stage' ang kanilang bahay para madaling maibenta - bagay na nagsimula ng kanyang property styling business noong 2016.
Key Points
- Ayon sa datos ng Realestate.com.au, ang serbisyo ng property styling ay itinuturing na 'necessity' at hindi na luxury - kung saan umabot na sa 75% ang bilang ng mga premium at inner-ring capital city listings na pinapaganda ang espasyo bago maibenta.
- Ang paunang pondo na inabot ng $60,000 hanggang $70,000 ay galing sa asawa ni Zulliger para matayo ang negosyong 'Surf Coast Property Styling' na nagseserbisyo sa mga bahay sa Bellarine, Geelong at ibang dako ng Melbourne. Kasama dito ang furniture inventory, truck, pang -upa sa warehouse, at pasweldo sa mga empleyado.
- Para mapalago ang operations, sinundan ng panibagong brand na 'Monhaus' para sa mga bahay sa Geelong, at Melbourne.
Dream big, start small, and don't underestimate where your idea will take you. If there's something you're passionate about, start where you can — start where you are.Jackie Zulliger, Victoria-based Property Stylist
Paunawa: Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.





