Key Points
- Nahanap ng tubong-Iloilo sa Pilipinas na si Isabel Yap ang tunay na hilig sa fashion at pagtulong sa kapwa matapos ng 15 taong karera mundo ng korporasyon.
- Inilunsad noong 2022, ang Queensland Arts and Fashion Festival ay naitatag mula sa kagustuhan na magkaroon ng tunay na pagiging ingklusibo at pagyakap sa pagkakaiba-iba.
- Ang Festival ay nagbibigay ng oportunidad para sa lahat anuman ang kanilang kulay, lahi, edad at kakayahan na pasukin ang mundo ng pagmomodelo at fashion.

Nagsimula bilang isang personal stylist, mabilis na natagpuan ni Isabel ang sarili sa tawag ng pagbuo ng mga inclusive na runway show, na nagmula sa isang malinaw na misyon: upang hamunin ang hindi napapanahong mga pamantayan sa kagandahan at lumikha ng espasyo para sa tunay na representasyon.

Ang misyon na iyon ay naiuwi sa paglikha ng Queensland Arts and Fashion Festival, isang groundbreaking platform na nabuo mula sa hangarin ni Isabel para sa tunay na pagkakaiba-iba sa fashion.
Ang festival ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa lahat anuman ang kanilang kulay o pinagmula, lahi, edad at kakayahan para sa subukan ang pagmomodelo at fashion—para sa marami ay sa unang pagkakataon.
“Inclusivity isn’t just a buzzword,” ani Isabel. “Everyone deserves a chance to be seen and celebrated.”

Higit pa sa isang fashion event, ang QAFF ay isang pagkilos upang muling tukuyin na kahit sino ay maaaring mapabilang sa runway at patunayan walang limitasyon sa istilo kapag tunay na may representasyon.

Habang binubuo niya ang kanyang pangalan sa industriya ng fashion sa Australia, dala ni Isabel ang kanyang pagkakakilanlang Filipino sa lahat ng kanyang ginagawa, nagpapakita ng pagkalinga hindi lamang sa kanyang trabaho kundi sa kung paano niya tratuhin ang kanyang mga nakakatrabaho.
Lumaki sa Pilipinas, nahubog ang kanyang pagkatao sa nakalakihang kasanayan at pag-uugali ng mga magulang.
"I was shaped by my parents’ tough-love approach—what we call carino brutal. That blend of honesty and care now defines how I lead and support others through QAFF."

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




