'Ang lahat ay tanggap'
Sa ilalim ng bagong pamunuan, sinumang misis o may anak ay tanggap sa kompetisyon ng Mrs Universe Australia.
"Napaka-importante nito kasi nga gusto kong maka-inspire sa lahat ng mga kababaihan."
Mapa-may-asawa, hiwalay o diborsyada ay maaaring sumali sa naturang beauty pageant. Sa unang taon ni Marites Novis bilang national director binuksan niya ang paligsahan sa lahat ng kababaihang may asawa, hiwalay sa asawa o diborsyado at maging sa mga single-mum.
"Gusto kong mabigyan ng lakas, lalo na 'yung mga may asawa o mga hiwalay na nagmumukmok, ayaw lumabas at makihalubilo sa iba," ani Marites Novis na isa ring negosyante.

These mums are all raising their kids and family while doing something to empower them and other women in Australia and beyond. Credit: MFN Productions (on Facebook)
"Hindi kayo nag-iisa at hindi lang kayo ang nakakaranas ng inyong pinagdadaanan at kung kaya ng ibang kababaihan na bumangon, kakayanin din ninyo."
Sa mga finalist sa taong ito, isa sa kanila ay divorced; ang isa pa ay dating biktima ng mapang-abusong relasyon at ang isa pa'y isang single-mum.
Pagtindig ng babae para sa babae
"Mas hahanga ka sa kanila at sa mga pinagdaanan nila at ang patuloy nilang pagbangon mula sa anumang hamon at walang tigil na pakikipaglaban sa buhay," paglalarawan ng bagong national director ng Mrs Universe Australia sa mga kababaihang kalahok sa nabanggit na pageant.
"Importante na maibahagi nila yung mga karanasan nila at kahit na nangyari sa kanila ang ganu'n problema [paghihiwalay sa kapareha], andyan sila patuloy na nakatayo at lumalaban sa buhay."
Bilang isang ina, batid ng CEO ng MFN Productions kung gaano kahalaga na mabigyan ng suporta ang mga kapwa kababaihan lalo na 'yung labis ang kinakaharap na mga hamon sa buhay.

Empowering women is something that Marites Novis has been passionate about as she knows too well the challenges of raising a family let alone raising your kids alone. Credit: MFN Productions
Naniniwala ang fashion enthusiast na sa pamamagitan ng Mrs Universe Australia pageant patuloy ang kanyang pagtulong sa maraming ginang at ina.
"I believe na makakatulong ako na maka-inspire pa sa mga misis na katulad ko," ani Marites Novis.
"Marami akong napapanood na mga magagandang pageant pero may mga naiisip akong ideas na kakaiba."
Ngayong taon, sa siyam na Mrs Universe Australia finalist, iba't ibang kultura din ang pinagmulan ng mga ito.
"Mayroong nagmula sa India, Vietnamese, Aboriginal Australian as well as Filipino.
Bukod sa mga kababaihan, pangunahin din sa isinusulong ni Marites Novis, na isa ring negosyante sa Sydney, ang paglinang ng talento ng mga bata at pagtulong sa mga matatanda at homeless.
Sa Oktubre 21, gaganapin ang pinale ng Mrs Universe Australia at isang gabi ng "Passion and Fashion' sa Pyrmont, New South Wales.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino