Babala: Naglalaman ng mga sensitibong salita
Ipinagmamalaki ni Concetta Caristo ang pagiging isang 'wog'.
Ngunit para sa kanyang ama, ang salitang iyon ay sinabi sa kanya nang may galit at pang-iinsulto.
“I use it as a term of pride. I really do. And I obviously think it's based on tone. If I hear someone saying it to me in this vitriolic tone, I'm sure that would make me upset, I would be so taken aback by that, which to me really shows how far the word has come,"sinabi ng komedyante at Triple J host sa SBS Examines.
"My dad who was born here was like, ‘yeah, it was used with vitriol for being different.’ So that is pretty a remarkable change."
Ang salitang ito ay nagmula sa 'dago'.
"Dago sort of slips out of usage and . . . is replaced by the slur wog," paliwanag ni diasporas expert at Greek Australian Dr Andonis Piperoglou.
Aniya, ang salitang iyon ay orihinal na nangangahulugang salot o sakit.
Naalala ni Peter Katholos, isang dating Socceroo na dumating sa Australia mula sa Greece nang siya ay siyam na taong gulang, na ginamit ang salitang 'wog' laban sa kanya.
"There were moments where I was called a wog, many, many times," saad niya.
"You were looked at as a stranger, like ‘what are you doing on our land?’ Little did they think that these people that came from overseas were here to work hard to basically help in building this country, which the migrants did."
Bagamat may komplikadong kahulugan ang salitang 'wog' para sa maraming Australyano, sinabi ni Dr. Piperoglou na ito ay nakatulong sa paghubog ng bagong kultural na pagkakakilanlan ng mga migranteng ito.
"The diaspora of these groups from the Mediterranean can start to self-identify and claim a certain type of alternative Australian-ness, which rides up against and challenges some of those monocultural renderings of what constitutes a good Australian."
Ginugunita ng SBS Examines episode na ito ang 50 taon ng SBS, bilang pagkilala sa ilan sa mga unang migranteng tagapakinig ng broadcaster at kanilang mga ambag sa makabagong Australia.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.