Umaasa ang mga tagapagsaliksik na nagsasagawa ng isa sa pinakamalaking pag-aaral tungkol sa lihim na pagsubaybay o stalking sa Australya na ang resulta ng kanilang pag-aaral ay maging daan para sa higit na pagsuporta para sa mga biktima. Larawan: Ang cyber-stalking ay isa sa sinisiyasat sa isang bagong pag-aaral ng mga tagapagsaliksik sa Curtin University sa Western Australia (AAP)
Ang lihim na pagsubaybay o stalking ay nagiging pang-karaniwan sa Australya, kung saan ang mga bagong tala mula Victoria ay nagpapakita ng pagtaas ng halos 11-porsyento sa loob ng nakaraang dalawang taon.
Share




