Habang mainit na pinagdedebatihan ngayon ng mga lider ng maraming bansa ang itinakdang target para bawasan ang greenhouse emission patungo sa net zero sa taong 2050, perodapat malaman ng lahat na may dalang peligro ito kapag hindi ito matugunan.
Dahil ayon sa World Bank sa taong 2050, ang climate change ang nagiging dahilan para ang tinatayang 216 milyong katao sa ilang rehiyon sa buong mundo ang napapalayo mula sa kanilang kasalukuyang tinitirahan.
Highlights
Ayon sa Kaldor Centre for Internation Refugee Law Director Jane McAdam 75 porsyento ng paglikas ay dahilan ng kalamidad, 25 percent lang dahil sa kaguluhan o gyera
May babala ang mga eksperto, 42 na maliliit na bansa ang malulubog sa tubig dahil sa climate change kung hindi tugunan ang isyu
Ang mga paglilikas at pagkakahiwalay ng mga tao sa buong mundo ay lala kapag hindi gawan ng solusyon ang problema sa global warming
Kapg magkaisa ang lahat at agad umaksyon nasa 80 porsyento lang ang pwedeng apektado. Ito ngayon ang pinatutuonan ng pansin ng Kaldor Centre for International Refugee Law, kung saan tatalakayin ang maraming isyu tungkol sa pag-pagkawatak-watak o paglikas ng mga tao dahil sa global warming.
Ayon kay Centre Dierctor Jane McAdam, ito ang dahilan nang maraming kalamidad na nagpapahamak sa maraming tao.
" Dahil sa global warming 80 per cent ng mga paglilikas ay dahil sa dala nitong kalamidad sa loob ng higit 10 taon dito sa South Asia Pacific region. Noong nakaraang taon lang, 31 milyon katao ang apektado nito. "
Dagdag ng McAdam, dahil sa dalang kalamidad ng global warming 75 percent ang natatapon kahit saan palayo sa kanilang lugar kompara sa gyera o kaguluhan na umaabot lang sa 25 percent.
" Nararamdaman na natin ang masamang epekto ng climate change ngayon, at sa susunod ng mga taon seguradong mas lalala pa ito. Ngayong, ala natin nagsisimula ng tumaas ang lebel ng tubig sa dagat,"
Ang nararanasang mabagsik na sunog sa kagubatan, bagyo, pagbaha at tagtuyo ang dahilan kung bakit maraming tao sa buong mundo ang sinasabing walang katiyakan ang buhay. Dahil sa patuloy na paglikas mula sa kanilang mga kinagisnan na lugar.
Ayon sa taga-Australian Red Cross na si Jessica Van Son, kailangan umaksyon para maiwasan ang relokasyon o paglikas ng maraming tao.
"Kung hindi maiiwasan ang mga paglikas dapat sila ay mabigyan ng proteksyon, suporta at tulong matapos ang isang kalamidad. "
Dagdag ni McAdam, dahil wala namang kinilalang batas na bumabalangkas tungkol sa climate refugee, at sa patuloy na may nangyayaring pagtaas ng lebel ng tubig dagat sa Pacific Islands, ito ngayon ang nagiging mitsa ng kanilang buhay.
" Sa ngayon wala pang pormal na international legal framework at kasunduan na pwede na ang paglipat-lipat ang mga tao sa Pacific, gaya lang ng Australians at New Zealanders, na malaya labas-pasok ng bansa."
Kaya sa gagawing pag-uusap sa Glasgow, gusto ng mga lider ng buong mundo na magkaisa ang lahat para makabuo ng mapangahas na kasunduan para tuluyan nang mabawasan ang epekto ng global warming .
" Kahit na mabawasan ang emission ng carbon ngayon hindi pa rin maiiwasan ang mga paglilikas, kailangan paghandaan ito at seguraduhing ang mga tao ay mabigyan ng sapat na suport at tulong."
At muling may babala ang mga eksperto, na maraming bansa ang lulubog sa tubig dala ng climate change.
Pinatunayan naman ito ni Tala Mauala mula sa Red Cross ng bansang Samoa, tinatayang nasa apat na milimetro ang itinataas ng lebel ng tubig sa dagat sa kanilang lugar simula taong 1993.
Sabi nito parang nilamon ng tubig ang kanilang lugar, dahilan upang apektado ang supply ng isda at halamang dagat.
" Maraming mga pamilya ang dati nanirahan sa mga baybayin pero dahil mahina ang huli ng isda , umalis na lang sila , dahil hirap na ang kanilang pamumuhay doon."
Noong taong 2009 dahil sa tsunami marami ang inilikas papunta sa matatas na lugar. At ang iba naman ay pumuta dito sa New Zealand at Australia, para makipagsapalaran sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa bukid.
" Nag-iba na ang pamumuhay sa lugar. Dati marami kang nakikitang namamangka sa dagat ngayon konti na lang kahit sa gabi kaunti na lang ang nangingisda."
Dahil dito, ang mga lider sa mayayamang bansa sa buong mundo gaya Amerika ay nakikinig sa kahihinatnan ng international humanitarian. At gusto din nitong suriin kung paano makakatulong sa mga inilikas o tinapon na mga residente dahil sa dalang epekto ng global warming.
Sa ngayon, kinaltasan ng bansang New Zealand ng higit 1.2 bilyong dolyar ang kanilang budget sa foreign aid , para makatulong sa ibang bansa na lubhang naapektuhan ng global warming, habang ang United Nations Human Rights Council naman, ay kinilala sa unang pagkakataon, ang karapatan ng lahat ng tao na magkaroon ng malinis, malusog at maayos na kapaligiran.
At ang UN na din ang mangangasiwa upang maipagpatuloy na maproteksyonan at ma-itaguyod ang karapatang ng mga tao nang maibsan ang epekto ng climate change.