Key Points
- Malaki ang epekto ng GST sa kape para sa ilang cafe owners sa Australia gaya ng mag-asawang Adam at Rejoice Thomson na may-ari ng Dovetail sa Brisbane.
- Bukod sa inflation na nagpwersa sa kanila na bawasan ang trading hours at menu, bumaba din ang customer spending ng 30%.
- Nakadagdag sa isyu ang kakulangan sa staff lalo at limitado na ang bilang ng international students gayundin ang working hours ng mga ito.
- Karaniwang 25% ng kanilang sales ay galing sa kape kaya malaking bagay ani Rejoice kung tatangalin ang coffee GST.