Sa loob ng limang dekada ng paninirahan sa Australia, libo-libong buhay ang nahubog sa pamamagitan ng pagtuturo ni Emily Dingle-Rudd, isang gurong naglaan ng halos apat na dekada sa edukasyon sa New South Wales. Ngunit higit pa sa pagiging guro, naging mahalagang bahagi rin siya ng Filipino-Australian community—isang lider na patuloy na naglingkod hanggang sa mga huling taon ng kanyang buhay.
Key Points
- Halos 40 taon na nagturo si Emily Dingle-Rudd sa primary at high schools sa Western Sydney at Central Coast, na humubog sa buhay ng maraming estudyante sa pamamagitan ng edukasyon at malasakit.
- Dumating si Emily sa Australia noong 1974 sa edad na 30 dala ang pangarap ng mas magandang kinabukasan. Ayon sa kanyang nakababatang kapatid at Filipino-Australian community leader na si Rod Dingle, siya ang naging daan upang makarating at magkaroon ng bagong buhay ang kanilang pamilya sa Australia.
- Higit pa sa kanyang tungkulin bilang guro, ipinakita ni Emily ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, pag-alala sa pinagmulan, at pagpapanatili ng kulturang Filipino.

Ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Emily na si Rod Dingle ang pagiging mapagbigay at mapagkawanggawa ng kanyang yumaong kapatid at ang pagiging huwaran nito sa komunidad Pilipino sa Australia hanggang sa kanyang huling sandali bago pumanaw noong Hunyo 2026.

Her legacy will live on through her family and the countless lives she touched. She was a selfless person who always placed family and others before herself, remembered for her generosity, compassion, and unwavering optimism.Rod Dingle, younger brother of Emily Dingle-Rudd
Halos 40 na taon itong nagturo sa iba't ibang mga paaralan sa primarya at high school sa kanlurang Sydney at Central Coast kasabay ng pagiging aktibong myembro at lider ng komunidad Pilipino sa NSW.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




