Pagkuha ng Australian driver's license, pahirapan para sa ilang mga Pilipino

driving, learner, learning to drive, australia

Source: Getty Images/Jacobs Stock Photography

Sa Australia, ang pagkakaroon ng driver's license ang isa sa pinakamahalaga na dapat mayroon ka. Madali ka makakapunta sa mga shopping mall para mag-grocery, sa ospital para magpacheck-up at makapunta sa mga pasyalan.


Dito sa Australia, mahirap kung hindi ka marunong magmaneho dahil limitado ang pampublikong sasakyan. Hindi katulad sa Pilipinas na may dyip, traysikel, at pedicab.

May mga bus, uber at taxi din naman. Yun nga lang, may kamahalan  ang pamasahe at maglalaan ng mahabang oras bago makarating sa pupuntahan.

Malaking porsiyento pa rin ng naninirahan sa Australia ang may sariling sasakyan.


 Highlights

  • Limitado ang pampublikong sasakyan sa Australia, kaya maonam na marunong kang magmaneho
  • Si Paz Veniegas, 49,  hirap sa pagkuha ng lisensya at walong taon na siyang naka-learner's permit
  • Karamihan sa kumukuha ng practical exam ay nauunahan ng kaba kaya hindi nakakapasa

 

Pahirapan sa pagkuha ng lisensya

Dumating sa Australia taong 2007 si Paz Veniegas, 49 na taong gulang. May dala siyang driver's license mula sa Pilipinas. Ang problema hindi naman talaga siya marunong mag-drive.

Dito pinapayagan ng gobyerno na makapag maneho ang isang tao kung may driver's licence na dala mula sa bansang pinanggalinan. Pero simula noong makuha na ni Paz ang Permanent Residency kailangan na niyang kumuha ng Australian drivers licence.
driving, learner, learning to drive, australia
Source: Supplied
Hindi niya akalain na ang prosesong ito ay naging  napakahirap para sa kanya. Isa si Paz sa mga migrante na nahirapan para makakuha ng lisensya. Ayon sa kanya, walong taon siyang Learners ang lisensya. Ibig sabihin maari lamang siyang makapag-maneho kung may kasama siyang Australian driver's license holder.

Kung sakali kasi na mahuli ng mga pulis, kakasuhan at pagmumultahin ang isang tao ang matindi pwede rin na makulong.

Dahil na rin dito, muntik na rin daw silang magkahiwalay mag-asawa. Ang asawa kasi niya ang nagtuturo sa kanya sa pagmamaneho.
paz veniegas, learning to drive
Paz with her husband, teaching her to drive Source: Supplied
"Hindi kasi ako sanay na sinisigawan, hindi kami nag uusap pag uwi."

Naka-dalawa siyang kuha ng practical exam, at ang resulta-bagsak!!!!!

"Naku, pinadaan ako sa Paramatta, e nasa school [zone] at nag 41 ako. Makita-kita ko e nasa transpo na uli kami. Yun pala e bagsak na ako."

Kaya pansamantala siyang tumigil ng limang taon sa pagkuha ng practical exam. Isa sa nakikita niyang problema ay ang matinding kaba, yung tipong lalapit pa lamang ang examiner ay para na siyang hihimatayin.

"Tinatamaan na ako ng acidic ko, nag-short breathing ako, parang nanlalamig ang buo kong katawan."

Huwag magpadala sa kaba

Ayon sa isang Filipina driving instructor sa Cairns na si Jocelyn Osborn, ang kaba ang isa sa matinding kalaban ng isang tao. May estudyante rin sya  na 10 beses bumagsak, na kalaunan, nakapasa rin, minsan remedyo sa matinding kaba ang chewing gum.

"Thank you for the chewing gum… nakapasa ako"     

Mayroon naman na isang exam lang, pasado na agad tulad ni Salvador Tinga na tubong Visayas. Mas madali daw noong kumuha ng lisensya noong dekada nobenta.

"Madali lang paikot ikot lang kami."

Ngayong panahon ng pandemic, umabot sa pito hanggang walo ang kanyang estudyante sa isang araw, noon dalawa hanggang tatlo lamang.

Diskarte tips sa pagkuha ng lisensya

driving, learner, learning to drive, australia
Source: Getty Images/Nikki Bonuel


Payo niya, bago kumuha ng practical exam:

  • Mag-review ng mga road rules at i-kondisyon ang sarili.
  • Pinaka-mainam ang palagiang pag-papractise ng driving
  • Kung maari, mag-driving lesson isang oras bago ang aktuwal na exam
Hindi lamang umano mga Filipino ang nakakaranas ng hirap maging ang ibang mga lahi mula sa Asya.  

Ayon kay Jocelyn nagiging mahigpit ang gobyerno sa mga practical driving exam dahil na rin sa mga aksidenteng naitala.

"Mas ok ito kasi para rin ito sa atin, para maiwasan ang mga aksidente."

Ilan sa mga dapat tandaan sa pagkuha ng practical exam

  1. Full stop sa STOP sign, at siguraduhin na walang sasakyan bago tumawid.
  2.  40 kilometers per hour lamang ang speed limit sa mga paaralan lalo na kapag nakitang umiilaw ang signage na bilog sa nakatakdang oras.
  3. Iwasan ang over speeding, halimbawa sa mga round about kung nakalagay ay 30 kilometers per hour lamang, siguraduhin na hindi ka lalamapas kahit isang puntos.
  4. Huwag  lilipat ng linya lalo kung may solid line,minsan nililito o sinusubukan ng examiner ang iyong isip at pagdedesisyon.
  5. Tiyakin na laging lumingon sa likurang bahagi ng sasakyan yung tipong babanatin mo ang leeg sa pag linga,sumilip din sa side at rear mirror.
  6.  Pag aralan ang atras-abante ng tama, at iba't-ibang klase ng pag parking.
Maari din na kausapin ang examiner bago ang pagsusulit,pakiusapan  kung maari ay magsalita siya ng malinaw at malakas para madali mo maintindihan ang kanyang mga instructions.

Samantala nitong nakaraang Hunyo nakapasa na si Paz, bukod sa nag driving lesson siya ng isang araw, tinuturuan din siya ng kanyang anak, marami raw siyang natutunan, at higit sa lahat hindi siya nasigawan kasi siya ang kanyang nanay(smile)

Payo niya sa lahat na huwag matakot, para sa kanya ang pagkuha ng lisensya dito sa Australia ay parang pagsubok rin ng buhay, mapagtatagumpayan basta may determinasyon  at nadiyan ang gabay, pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily


Follow us on Facebook for more stories


 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagkuha ng Australian driver's license, pahirapan para sa ilang mga Pilipino | SBS Filipino