Highlights
- Layunin ng Made in Australia Movement na hikayatin ang mga Australian na bumili ng sariling gawang produkto
- Ang suporta sa mga maliliit na negosyo na nakapagsalba sa maraming pamilya sa kabila ng pandemya
- 75% ng mga damit na nabibili sa Australia ay gawa sa China
"You have supported workers of Australia and the working class of Australia by buying that garment."
Isang garment factory sa Melbourne ang pinapatakbo ni Vicky Skorsis kasama ng anak na si Phillip.
Sila ang gumagawa ng mga damit para sa ilang sikat na label sa lungsod
Marami nang nasaksihang pagbabago ang Sitenta anyos na negosyante pero wala pa umano syang naranasan na tulad ng pagpapahirap na dala ng krisis ng coronavirus.
Malaki ang nalugi sa kanilang negosyo nang sunod sunod na makansela ang mga order.
"We had to tell everyone to go home it was devastating."
Naisalba ng pamilya ang lahat nang magsimula silang gumawa ng mga protective clothing.
Pero hindi lang COVID19 ang sumubok sa halos apat na dekadang negosyo ng CGT Australia.
Karamihan sa mga damit na ibinibenta sa Australia ay made in China. Kaya naman mas nahirapang bumangon ang mga tulad nyang local manufacturer dahil sa kumpetisyon.
Ngayon, isa na ang negosyo ng pamilya Skorsis ay isa sa mga nangunguna sa Made in Australia Movement.
"We are inundated with calls with people wanting Australia made garments. No-one was ready for this it went gangbusters – bang we want it made in Australia help us out."
Pinanganak sa Greece si Vicky at Philip. Noon pa man ay mga garment maker na ang kanilang pamilya at kalaunan ay naging bahagi mg mga negosyo sa Sydney at Melbourne na tumatahi ng mga Australian casual wear
Sinimulan ito ng corporate-lawyer turned online retailed na si Kate Dillon.
"They very much feel like family. We wanted to have a product that was an end to end Australian supply chain, that would make you feel good because you were supporting 22 businesses in the process ."
Bumaba ang benta ng mga luxury handbags nang magsimulang mag work from home ang mga kababaihan kaya naisip ni Kate ituon ang pansin sa pagbebenta ng sweatshirts
"Forty percent worth of losses, year on year and logistic costs had increased by 30%. So it was a really serious situation."
Naging simbolo ng pag-asa para sa maliliit na negosyante ang ‘Made in Australia’ movement sa gitna ng pandemya.
Karamihan ng retailers ay nakasara habang lockdown kasabay ng pagtaas ng gastusin sa pagpapanatili ng negosyo na umabot na ng 14%.
Isama pa ang Chinese imports na pumupuno sa 75% ng mga damit na nabibili sa Australia. 4% lang ang gawang lokal.
Kaya umaasa si Kate Dillan sa suporta mg mga Australian.
"The support of the community coming together to back my business, but to also back all these other businesses, has been fantastic."
Sold out ang unang batch ng sweatshirts na kanilang inilabas at marami pa ang umoorder.
Ayon sa isang pag aaral, tumataas ang bilang ng mga Australian na pinipiling bumili ng mga produktong locally made.
Ayon sa ilang industry leaders, nakakatulonh ito na protektahan ang trabaho ng halos kalahating milyong manggagawa sa fashion at textile industry
Narito ang pahayag ni Assia Benmedjdoub ang publisher of Ragtrader magazine.
"It is a great example of Australian small businesses coming together to support one another and to encourage growth. Initiatives like these not only demonstrate the power of small local businesses, but are also really important to the economic fabric of Australia."