Key Points
- Ayon sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang state of calamity ay pormal na deklarasyon ng Presidente o lokal na pamahalaan, depende sa lawak ng pinsala — maaaring barangay, lungsod, probinsya, o buong bansa.
- Sa Australia, ang katumbas ng state of calamity ay tinatawag na State of Emergency o minsan State of Disaster, depende sa estado o teritoryo.
- Kamakailan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang one-year State of National Calamity sa Pilipinas matapos ang pananalasa ni Bagyong Tino (international name: Kalmaegi).
Sa oras na ideklara ang state of calamity, may kapangyarihan ang gobyerno na gamitin agad ang calamity funds, magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin, at pabilisin ang pagbigay ng tulong o relief goods sa mga apektadong mamamayan.
Puwedeng makakuha ng tulong ang mga pamilyang Pilipino, kabilang ang OFW families, ahensya gaya ng OWWA, SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth.
Sa Australia, ang mga residente ay puwedeng makakuha ng tulong sa pamamagitan ng Disaster Recovery Payments mula sa federal government, kung apektado ang kabuhayan o tirahan at State-specific relief programs, gaya ng emergency grants, temporary accommodation, at financial support para sa mga nawalan ng bahay o kabuhayan
Ang mga programang ito ay naglalayong masiguro ang mabilis na tulong at suporta para sa mga apektadong pamilya upang makabangon at makapagsimula muli pagkatapos ng sakuna.










