PANO BA: Bakit mahalaga na may plano para sa libing, at ano ang karaniwang ginagawa sa burol sa Australia?

funeral plan

Funeral consultant Dr. Jaime Lopez explains that many people hesitate to plan ahead. Image: Canva

Sa kulturang Pilipino, madalas na iniiwasan ang usapin tungkol sa kamatayan. Ngunit sa kabila ng mga pamahiin at paniniwala, ipinaliwanag ng Dr Jaime Lopez, isang funeral consultant sa Sydney kung bakit mahalagang paghandaan ang sariling pagpanaw.


Key Points
  • Paliwanag ni Dr Jaime Lopez, sa pamamagitan ng funeral plan, maayos na maisasagawa ang burol ayon sa ating kagustuhan, at mababawasan ang gastusin at alalahanin ng mga naiwang mahal sa buhay.
  • Sa Australia, kapag may pumanaw, agad na iniuulat ito sa doktor o ospital upang makuha ang death certificate. Ang dokumentong ito ay mahalaga sa mga susunod na hakbang tulad ng funeral arrangements at insurance claims.
  • Ayon sa Moneysmart site ng gobyerno, umaabot ng $4000 hanggang $15,000 ang gastos sa pagpapalibing.
Sa Australia, ang maayos na funeral plan ay nakatutulong hindi lamang sa pinansyal na aspeto, kundi sa emosyonal na kapanatagan ng mga naiiwan. Ayon kay Dr. Jaime Lopez, isang community leader, academic, at funeral consultant, may ibinabahagi silang impormasyon sa komunidad para paghandaan ang mas organisadong pamamaalam.

May mga taong nagsasabing, ‘Baka ako na ang sumunod, kaya ayokong pag-usapan.’ Pero lagi kong ipinaaalala, hindi natin alam kung ano ang plano ni Lord para sa atin. Ang sa atin ay paghahanda lang naman para kung may biglaang pangyayari, ay mayroon na tayong naitabi.
Dr Jaime Lopez, Funeral Consultant

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Ang mga impormasyong ibinahagi sa podcast na ito ay nagsisilbing gabay lamang. Makabubuting kumonsulta o makipag-usap sa mga funeral at memorial consultants, abogado, at rehistradong financial planners para sa payo na mas angkop sa inyong partikular na sitwasyon.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand