Narito ang mga pinakabagong balita sa Pilipinas:
Panukalang dagdag sahod sa minimum wage earners
Nangangamba ang Department of Labor and Employment o DOLE at ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP na baka hindi kayanin ng maliliit na negosyo ang dagdag-sweldo.
Ayon sa isang ekonomista, maaaring magresulta sa wage price spiral ang dagdag sahod.
Ipinamamadali naman ng Federation of Free Workers ang pagsasabatas sa panukala lalo’t nahuhuli na umano ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa usaping ng patas na pasahod.
Paggunita sa EDSA People Power Revolution
Sa paghahanda sa paggunita ng anibersaryong EDSA People Power Revolution, February 23, sinabi ni Kiko Aquino Dee, deputy executive director ng Ninoy and Cory Aquino Foundation, idaraos ang National Day of Prayer in Action para sa EDSA at kontra sa charter change.
Sasariwain naman sa Club Filipino sa Greenhills ang mga kaganapan nuong 1986 sa panunumpa sa pwesto ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Sa Linggo ng gabi, magkakaroon ng concert na “EDSA kahit saan” na gagawin sa White Plains Avenue, malapit sa People Power Monument.