Nagaganap ang iba't ibang aktibidad na pinangungunahan ng mga komunidad sa buong bansa bilang paggunita sa National Reconciliation Week, na tumatakbo mula Mayo 27 hanggang Hunyo 3. Ang tema ngayong taon ay “All In,” isang panawagan sa lahat ng Australian na buong pusong makiisa sa pagsusulong ng pagkakasundo at sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander.
Key Points
- Marami ang community-led events na ginaganap sa buong Australia bilang paggunita ng Reconciliation Week.
- Ayon kay Karen Mundine, CEO ng Reconciliation Australia, hindi sapat ang ideya o hangarin lamang, ang tunay na reconciliation ay nangangailangan ng konkretong aksyon.
- Ang National Reconciliation Week ay paggunita sa dalawang makasaysayang pangyayari sa paglalakbay ng Australia tungo sa pagkakasundo: ang 1967 referendum at ang Mabo decision.
- Ayon sa Filipino travel nurse na si Lindeil Cuevas, nasaksihan niya kung gaano pinahahalagahan ng mga Indigenous Australian ang malasakit at dedikasyon na ipinapakita ng mga Filipino health worker.


📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Share




