Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pasifika Celebration

Pasifika.png
Cultural performer from Vanuatu at the Pasifika Celebration

Nagtipon ang iba't ibang komunidad ng Pasipiko sa Far North Queensland, mga kalahok sa PALM Scheme, at mga South Sea Islander para sa taunang Pasifika Celebration ng Innisfail.


Published

Updated

By Tiffany Baldwin, Tuipoloa Evan Charlton, Tavishek Sharma

Presented by Tiffany Baldwin, Shiela Joy Labrador-Cubero

Source: SBS



Share this with family and friends


Nagtipon ang iba't ibang komunidad ng Pasipiko sa Far North Queensland, mga kalahok sa PALM Scheme, at mga South Sea Islander para sa taunang Pasifika Celebration ng Innisfail.


Nagbibigay ang Pasifika Celebration sa Innisfail ng pagkakataon para sa mga bagong dating na kalahok sa Pacific Australia Labour Mobility (PALM) Scheme na makatagpo at makasama ang iba pang manggagawa mula sa kanilang sariling mga isla.

Enjoy as a Pacific
Inoke Dreudreu

Si Inoke Dreudreu ay mula sa Fiji at nagtatrabaho sa isang taniman ng saging sa Innisfail sa ilalim ng siyam na buwang kontrata. Nakapanayam siya ng SBS Our Pacific habang naghahanda siya ng mga niyog para sa mga bisitang nauuhaw sa pagdiriwang. "We are happy to put away some job time and we come and enjoy as a Pacific," saad niya.

Kinakatawan ni Dreudreu ang bagong henerasyon ng mga manggagawang Pasipiko na pumupunta sa Queensland sa ilalim ng mga kontrata sa paggawa.

Noong huling bahagi ng 1800s, mahigit 60,000 Pacific Islander ang dinala sa Australia, at marami sa kanila ang nagtrabaho sa industriya ng tubo sa Queensland. Ang sistemang ito ng sapilitang paggawa ay tinawag na Blackbirding.

Ngunit noong 1901, nagpasa ng batas na nagtapos sa sistemang ito. Sinundan ito ng sapilitang pagpapatapon sa marami sa mga manggagawa, at ilan lamang libo ang pinayagang manatili sa Australia.

Tanna is in my soul
Sonja Budd

Nakaugat ang lahing South Sea Islander ni Sonja Budd sa Tanna Island, Vanuatu. Bilang bahagi ng mga angkan ng Nauta at Corowa, ibinahagi niya na ang kanilang pamilya sa Australia ay patuloy na tumutulong sa Vanuatu sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong pangkaunlaran.

"Tanna is in my soul. Yeah, it's who we are. It's our identity," dagdag niya.

Love the different diversities here
Pastor Eterei Vaele

Para sa maraming komunidad ng Pasipiko, mahalagang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ang simbahan. Ngunit napapansin ni Pastor Eterei Vaele mula Cairns, na may lahing Samoan at Niuean, na mas kaunti na ang mga taong regular na dumadalo sa simbahan.

"All you can really do is sort of pursue the presence of God in your own way and love the different diversities of the cultures here and their own perspectives of what religion should look like."

Ang pananampalataya, pamana, at kultura ay nananatiling mahahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng mga komunidad ng Pasipiko sa Far North Queensland habang patuloy silang nagbabago at umuunlad.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Stream now