Key Points
- Sa pagsasanay ito mahigit 4,000 air force men mula sa 20 bansa na ginanap sa Northern Territory, Australia ngayong Agosto
- Kinilala itong isang pangunahing event sa international air combat training.
- Unang pagkakataon itong sumali ng Philippine Air Force sa naturang pagsasanay na pinahalagahan ni General Brawner sa gitna ng pagsisikap na i-modernize ang Armed Forces, pagbutihin ang tactics nito at ang inter-operability sa mga international forces, at mag-ambag sa peace at stability sa Indo-Pacific Region
Samantala, tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga international partners nito para itaguyod ang international law.
Kabilang sa mga pakikipagtulungang ito ay ang MILOPS O ang 35th Military Law Operations annual conference na ginanap sa Manila.
Duon, humingi ng suporta ang Pilipinas sa ibang bansa para patuloy na isulong ang rules-based international order, sa gitna ng mga pagharang ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Pinakahuli dito ang pagharang ng mga barko ng China sa re-supply ships ng Philippine Coast Guard na patungo sa Escoda Shoal kung saan naka-angkla ang BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang Pilipinas ay nangunguna sa pagtindig sa international law sa Indo-Pacific Region.
Partikular na tinukoy ng Kalihim ang pagsunod sa United Nations Charter , sa gitna ng mga regional security challenges




