Highlights
- Pumalo na sa 537,310 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
- 70 milyon hanggang 80 milyon Pinoy ang target mabigyan ng bakuna hanggang Disyembre
- Palawan binuksan na para sa mga lokal na turista
Aabot sa 10 milyon dose ng COVID-19 vaccine sa ilalim ng COVAX Facility ang inaasahang darating sa Pilipinas sa unang quarter ng taon o hanggang Marso, ani Galvez.
Kasama umano rito ang 117,000 dose ng Pfizer vaccine na inaasahang dadating sa ikatlong linggo ng Pebrero.
Tiniyak naman ni Galvez na aayusin din ang data integration sa pagitan ng mga local government unit at pribadong sektor para hindi madoble ang pagbibigay ng bakuna.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na walang bibilhing bakuna ang gobyerno na makakasama sa kalusugan ng publiko.
Ito ay sa harap ng patuloy na pagdadalawang-isip ng ilan hangga't hindi anila naipapaliwanag nang husto kung paano ginawa ang COVID-19 vaccine at ang epekto nito sa tao.
Magiging mabusisi rin ang DOH sa profiling at screening process ng lahat ng nakalistang tatanggap ng bakuna.
Palawan, bubuksan na para sa mga lokal na turista
Matapos ang halos isang taon, muli na ring nagbukas sa mga lokal na turista ang Palawan. Muli nang mae-enjoy ang mga beach sa naggagandahang isla ng Honda Bay pati na ang underground river sa Puerto Princesa City.
Nanawagan naman ang Department of tourism sa mga turista na magpatest muna bago bumisita sa mga destinasyon.
Kamakailan ay anim na turista naman ang nakapasok sa Boracay gamit ang pekeng RT-PCR test results. Tatlo sa mga ito ang nagpositibo sa virus.
Mahaharap sa multa at criminal charges mula sa LGU ang sinomang lalabag.
Ang White Beach, Boracay and El Nido, Palawan ay nasa ikalawa at ika syam na pwesto sa Condé Nast’s Traveler's 25 Best Island Beaches in the World: 2020 Readers' Choice Awards list.
ALSO READ/LISTEN TO