Highlights
- Hindi na matutupad ang sinabi ng 76 anyos na Pangulo, na magreretiro na siya mula sa politika
- Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo para tutulan ang tambalan ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
- Kakandidato si Duterte-Carpio sa pagkabise presidente, sa ilalim ng kaniyang partido na Lakas CMD
Tatakbong senador at hindi bise presidente si Duterte na taliwas sa mga naunang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar nitong Sabado.
Tatakbo si Ginoong Duterte sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), ang partido kung saan tatakbo si Sen. Christopher "Bong" Go para sa pagkapangulo.