Nanalasa ang bagyong Dante sa Pilipinas, 4 ang nasawi, 7 ang nawawala habang 2 ang sugatan sa ilang araw na panantili nito sa bansa. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, naitala ang mga nasawi sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Sur at South Cotabato. Naitala naman ang mga pagbaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, bunsod ng bagyong Dante. Daan-daan din ang lumikas nagkaroon umano ng mga pgbaha sa Ferrol, Romblon, Capoocan, Leyte habang hanggang leeg ang baha sa maraming lugar sa Maasin City, Southern Leyte, gayundin sa Loboc at Lila, Bohol. May naganap namang landslide o pagguho ng lupa sa Mawab, Davao de Oro pero walang nasaktan o nasawi sa insidente.
Highlights
- DOH: Kaso ng Covid-19, tumaas sa Metro Manila, Regions 2, 3 at sa Mindanao. Umabot na sa 6,691 ang average daily cases sa buong bansa mula nuong May 27 hanggang June 2, 202. Mas mataas iyan kumpara sa 5,214 na naitala mula nuong May 20 hanggang May 26, 2021.
- Pinagpapaliwanag ng Energy Regulatory Commission o ERC ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP hinggil sa pagkaantala ng kanilang mga transmission projects, sa ngayon pinapatupad ang rotational brown-out sa Luzon.
- Pangulong Rodrigo Duterte, pinag-iisipan pa umano kung tatakbo sa pagka-Vice President sa 2022 election.




