Kilala ang Melbourne singer/songwriter na si Benjamin Trillado dahil sa kanyang walang patawad na katapatan at nakakaiyak na mga pagganap. Nahuhumaling sa kaasiwaan ng buhay at mga kamalian ng tao, ang mga kanta ni Benjamin ay nagsasalaysay habang binibigyan niya ng liwanag ang mga paksang ating iniiwasan.
Nagsimula ang kanyang pasyon sa musika sa edad na 12 nang magsimulang mag-guitar lessons at ang pagkanta ay sumunod nang siya ay nasa high school.
"I was about 12 years old I got guitar lessons and I used to play every single day and I learnt heaps of songs. Then singing came about when I was in high school. I kinda just started singing along to guitar and then people were like you can sing, and I was like can I? It’s really like you don’t know until someone tells you," sabi ni Mr Trillado.
Naging inspirasyon ni Benjamin ang iba't-ibang artista mula kay Janis hanggang kay Beyoncè habang lumalaki. Ang kanyang panlasa sa musika ay tumulong humugis ng tunog na may elemento ng folk, rock at soul.
Mula sa pagganap kasama ang mga acclaimed Australian artist tulad ni Ben Abraham hanggang sa pag-mentor ng mga songwriting powerhouses tulad ni Ainslie Wills, natagumpayan ni Benjamin ang mga entablado sa Melbourne dahil sa kanyang makapangyarihang boses at pagkwento.
Ipinanganak at lumaki sa Australya, malaki ang naging impluwensiya ng kanyang pagka-Pilipino sa kanyang musika.
"My whole family is Filipino so we’re karaoke-ing all the time. There’s an old VHS tape of my parents holding me when I was a baby and singing karaoke," sabi ni Mr Trillado.
Ilulunsad ni Benjamin Trillado ang kanyang unang single na 'First Kiss'.
BASAHIN DIN:


