Giselle Hernandez: Mula pagsali sa mga kompetisyon hanggang pagsulat ng mga sariling kanta

Giselle Hernandez

Source: Giselle Hernandez

Ibinahagi ng Filipino- Australian singer na si Giselle Hernandez kung paano binago ng musika ang kanyang buhay. Mula sa pagsali sa mga kompetisyon ng pagkanta, pagsanay sa iba't-ibang klase ng musika hanggang sa pagsusulat ng sariling mga komposisyon.


Paano siya nagsimula

Si Giselle Hernandez ay isang 29 taong gulang na Filipino-Australian singer na nakatira sa Yarra Valley kasama ang matagal ng kasintahan na si Shaun Harrop.

Kumakanta siya simula 8 taong gulang at hinikayat ng lola na ipagpatuloy ang musika.

" My Lola was the one who has pushed me and pursued a bit of my singing life since I was a little girl, at this time I was already singing in many competitions around Melbourne," sabi ni Ms Hernandez.

Una niyang sinalihan ang The Red Nose sa Knox Shopping centre kung saan nanalo siya sa ikatlong pwesto at kinanta ang Titanic theme song na 'My Heart Will Go On'.

Sa edad na 14, sumali din siya sa iba pang mga patimpalak tulad ng Australian Idol kung saan umabot siya sa top 50, The Voice Philippines at X Factor.
Giselle Hernandez in The Voice Philippines audition.
Giselle Hernandez in The Voice Philippines audition. Source: Giselle Hernandez
Nang magsimulang bumuo ang kanyang boses, ipinagpatuloy niya ang pagsanay sa opera.

" I would love to continue learning opera as I feel it is the best technique anyone could use to develop themselves and singing," sabi ni Ms Hernandez.

Nang siya ay nagtapos, pumasok siya sa Box Hill Music kung saan nagpokus siya sa jazz at contemporary.

Nanalo din siya sa TFCkat worldwide singing competition noong 2014 kung saan ay nirepresenta niya ang Australia at NZ at nanalo siya ng libreng ticket patungo sa Pilipinas upang makilala ang cast ng 'Showtime' at bumisita sa set ng ABS-CBN.

Isa din sa di-malilimutang sandali sa kanyang byahe ay nang makilala at tinuruan siyang kumanta ni Gary Valenciano kasama pa ng ibang 7 winners.

Nang bumalik siya sa Australya, nilipad naman siya sa Sydney upang gumanap sa Kapamilya concert bilang winner ng TFCkat 2014.

Pagsusulat ng sariling kanta

Palagi na siyang nagsusulat ng mga kanta ngunit hindi siya nagkaroon ng tiwala na kantahin at ipagpatuloy ito hanggang baguhan lamang ay muli siyang nahikayat.

" I have started writing songs last year and since I was given a baritone ukulele, I have grown more confident in myself and my songs," sabi ni Ms Hernandez.

Gumaganap din si Hernandez sa mga open mic nights sa palibot ng Yarra Valley at kumakanta para sa ASA (Australian Songwriting Association) sa Yarra Junction kada ikalawang linggo ng buwan.

Ngayong taon plano niyang ilabas ang kanyang unang album.

" I hope to start recording my EP mid year and to hopefully start my career path as a singer songwriter," sabi ni Ms Hernandez.

 

BASAHIN DIN:


 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand